XV. That dckhead that holds her heart

3 0 0
                                    


XV. That dckhead that holds her heart

Gising na ang mga kaibigan niya nang dumating ang kanyang Kuya Mico. Kaagad siya nitong nilapitat at chineck kung okay na talaga siya.

"Kuya, she's fine. Na-check na siya ng Doktor kagabi," ani Sally na nasa tabi niya.

"Eto na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong mag-isa kang umaalis." Naiiling na sabi ng kanyang Kuya habang hawak pa rin ang kamay niya.

"Duh! We're here, Kuya Mico. 'Tsaka kahit ano namang pigil natin sa mga iyan, magkikita at magkikita iyan sila dahil sa pangingialam ng tadhana," ani Zellea na umirap pa.

Marahas na nagbuga ng hangin ang kanyang Kuya at tumingin sa kanya. Nginitian niya ito saka sumang-ayon sa sinabi ni Zellea.

"Tama si Zee. Kung ako lang, mas okay na nagkaharap na kami. At kapag nagharap ulit kami sa susunod ay tiyak na magiging okay na ako," sabi pa niya.

"Kumain ka na ba, Kuya?" tanong ni Chino. "Kagigising lang din namin, sabay-sabay na tayong bumaba at sa restaurant na mag-almusal."

"Hindi pa kayo uuwi?" tanong ng kanyang kapatid habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Mamasyal pa kami, hindi pa namin nalilibot ang buong Baguio," sagot ni Rosalie. "'Tsaka Kuya, alam mo ba'ng libre ang pag-stay namin dito?"

"Why so?" tanong naman nito.

"Nagustuhan ng may-ari ng Las Palmas ang ginawang painting ni Vee at dahil hindi niya iyon pinagbenta ay binigyan siya ng VVIP privilage card," nakangiting paliwanag ni Rosalie.

Ngumiti siya saka tumango. Kinuha niya ang card at ipinakita dito, natuwa naman ang kanyang Kuya at hinawakan ang card.

"Puwede ko ba'ng magamit ito?" nakangiting tanong nito sa kanya.

Nakangiti siyang umiling. "Ang sabi ni Liam—"

"Liam?" putol nito sa sinasabi niya habang nakataas ang isang kilay.

"Unang lalaking naakit kay Vee dito sa Baguio," nakangising sabi ni Wilmart.

"May balak yatang manligaw iyon kay Vee, Kuya," nakangising sabi naman ni Lloyd.

"Oo nga, may patanong-tanong pa kagabi ng 'Can I see you again?'" nakangising sabi naman ni Chino.

"Siya ang tumulong sa akin kagabi nang atakehin ako." Naiiling na sabi niya sa kanyang Kuya. "And he's not what they think, Kuya."

"Oh, I would like to meet him. Sa unang pagkakataon ay nakuha mo nang makipag-usap sa ibang lalaki," nakangiting sabi nito at ginulo ang buhok niya.

"Really?" gulat na tanong ni Stephanie.

"Mm," ani Sally.

Tuloy ay lahat sila tumingin sa kanya na tila nanunudyo. Iling lang ang sinagot niya sa mga ito. "Huwag niyong bigyan ng malisya ang ginagawa ng tao."

Nakarinig sila ng katok mula sa pinto, tumayo na si Stephanie at nang makita nila kung sino iyon ay mas lalong lumawak ang mga ngiti ng mga ito habang nakatingin sa kanya.

"Hi. Itanong ko lang kung nakapag-almusal na kayo lahat? Nagpahanda ako ng almusal sa Chef," nakangiting sabi ni Liam nang humarap sa kanila pagkatapos itong papasukin ni Stephanie.

"Yown! Tamang-tama ang dating mo dahil pinag-uusapan ka palang—I mean, pinag-uusapan pa lang namin kung ano ang kakainin naming almusal," nakangising sabi ni Wilmar.

"Great," nakangiting sabi ni Liam at tumingin sa kanya. "Are you okay?"

Sasagot sana siya ngunit narinig niya ang pagtikhim ng kanyang Kuya kaya imbes na sagutin ito ay ipinakilala niya ito kay Liam. "Kuya ko. Siya ang nakakita sa akin at nagdala sa Clinic nang atakehin ako."

Fixing The Bad Boy's Broken HeartWhere stories live. Discover now