XI. True Friends

4 0 0
                                    


XI. True Friends

"Leave me alone, Molly," matabang na turan ni Russell nang harangan ni Molly ang dinadaanan niya.

Matagal siya nitong tinitigan ngunit hindi niya iyon pinansin. Papasok siya sa Mines View park pero hindi siya makaabante dahil sa nakaharang na babae.

"Tapatin mo nga ako, Russell. Kaya ka ba nandito dahil alam mong papunta dito ang mga kaibigan mo?" tanong nito.

Sinulyapan niya lang ito at hindi sinagot, saka tinabig ang nakaharang nitong kamay sa daraanan niya. Tutuloy na sana siyang maglakad ngunit mabilis nitong hinawakan ang kamay niya kaya tumigil siya sa paglalakad at pumiksi para kumawala sa pagkakahawak nito.

"Kung ayaw mo akong samahan, tantanan mo ako. Sino ba'ng nagsabing sumama ka?" mapaklang turan niya.

Nakita niyang biglang naluha si Molly at bumakas sa mukha nito na nasaktan sa sinabi niya but who cares? Totoo namang hindi niya ito inayang sumama, ito mismo ang sumakay sa motor niya at hindi na umalis.

"By any chance . . . are you going to meet her?" tanong nito.

Biglang dumilim ang anyo niya at nagtagis ang bagang niya sa tanong nito.

Mapakla itong tumawa. "How pathetic. Nalaman mo lang na dumating siya, heto ka at atat na atat na makita siya. Why don't we go and see her perso—ump!"

Walang babalang kuwinelyuhan niya ito at galit na nagsalita. "I dare you, Molly," puno ng panganib na turan niya sa dalaga.

"Bitiwan mo 'ko, Russell. N-Nasasaktan ako!"

Sininghalan niya si Molly at marahas na binitiwan ang damit nitong nagusot dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya. "Get lost. I don't want to see you, right now. Kapag sinundan mo pa ako, I swear, I won't hesitate to hurt you in front of many people."

Pagkasabi niya niyon ay tinalikuran na niya ito at walang lingon-likod na pumasok na sa Mines View park. Lihim niyang tinitingnan ang mga taong nakakasalubong niya at ingat na ingat siya na mapadikit sa kahit na sino sa takot na malaman nina Via na sinusundan niya ang mga ito.

Huminto siya sa paglalakad nang makita niya ang likod ni Dyke, pasimple siyang nagkubli sa isang grupo ng magkakaibigan na nagkakatuwaan sa isang souviner stall nang makitang lumingon si Dyke. Nakita kaya siya nito?

Nagkunwa siyang tumingin sa mga souvenir na inaalok ng isang lalaki. Kumuha siya ng isa at agad iyong binayaran na hindi na pinakinggan pa ang sinasabi ng sales man. Kaagad niya iyong ibinulsa at nang makita na nagtuloy-tuloy na ang mga ito sa paglalakad ay sumunod din siya.

"Excuse me." Natigilan siya nang may kumalabit sa kanya. "Hi, I'm Liam at may event kaming ginagawa, lumalapit kasi kami sa random people para humingi ng kaunting tulong."

"What is it?" salubong ang kilay na sabi niya sa lalaki.

"Don't worry, hindi naman ako hihingi ng pera," nakangiting sabi pa nang nagpalilalang si Liam. Inabutan siya nito ng papel at ballpen. "Here, you just need to write what's on your mind. Mas maganda kung related sa love, gagamitin kasi naming prompt para sa mga artist na gustong sumali sa event."

Matagal niyang tinitigan ang ibinibigay nitong papel at ballpen, siguro napansin ni Liam na nag-aalangan siya kaya muli itong nagsalita. "Don't worry, you don't need to give your name, just write what you want, that's all."

Pasimple siyang tumingin sa grupo nina Dyke at nang makita na maging si Via ay lumingon na din ay wala sa sariling kinuha niya ang papel at ballpen at naglakad papunta sa isang bakanteng mesa.

Fixing The Bad Boy's Broken HeartWhere stories live. Discover now