I. Umaasa Na Maging Manhid Ang Puso

9 0 0
                                    

Russell


Isang matigas na kamao ang tumama sa mukha ko na agad nagpatilapon sa akin papunta sa gilid ng boxing ring. Napakunot ako ng noo dahil sa biglang panlalabo ng paningin ko at pansamantalang pagkawala ng aking pandinig.

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang suntok na ang natanggap ko simula kanina pag-akyat ko dsiya. Lima? Anim? Psiya? Hindi, sampu! Sampong suntok sa magkakabilang parte ng katawan ko! Putok na ang labi ko't gilid ng mata at ang dahilan kung bakit nanlalabo na ang paningin ko ay dahil sa masaganang dugo na umaagos dahil sa mga sugat na natamo ko. In short, bugbog-sarado na ako at umaasa na maging manhid na ang buong pakiramdam ko dahil sa mga natamo ko.

Pero bakit ganoon? Naroon pa rin ang hindi matatawarang sakit? Nagdurugo pa rin at patuloy na tila pinagsasasaksak ang pira-piraso ko ng puso!

Hindi pa rin humuhupa ang sakit!

Hindi pa rin tumitigil ang libu-libong punyal na ilang taon nang tumatarak sa puso ko. Wala na bang hangganan ang sakit na nararamdam ko?

Higit sa lahat, ayaw pa ring tumigil ng putangnang isip ko sa kakaisip ng dahilan kung bakit ako iniwan ni Via!

It was fcking four years passed, but I still feel like it was fcking yesterday!

Bawat segundong lumilipas sa loob ng napakahabang apat na taong nagdaan ay paulit-ulit lang na parang isang sirang plaka ang tanong sa isip ko.

Why did Via leave me?!

Alam kong masakit ang ginawa ng mga magulang ko sa kanya at nalaman ko pang pinagbuhatan pa siya ng kamay ni Daddy. Lahat ng nangyari ng araw na iyon ay alam ko at sariwa pa sa alaala ko!

"Russell! Babe! Bumangon ka diyan! Huwag mong hayaang matalo ka nang ugok na iyan!" Narinig ko ang sigaw ni Molly.

Doon lang bumalik ang lahat ng pandama ko. Humawak ako sa makapal na lubid ng ring at hirap na tumayo. Ipinilig ko ang aking ulo at tumayo ng maayos. Nakita ko ang nakangisi kong kalaban, malaki ang pangangatawan niya at halatang alaga sa gym.

"Huwag ka nang manlaban pa, isang tao pa lang ang nakakatalo sa akin simula noon. At ang babaeng iyon ay wala na dsiya, hindi mo makukuha sa akin ang titulo nang pinakamalakas na Underground Fighter dsiya." Lumpait siya sa akin habang nagsasalita, nasa mukha niya ang nakakalokong ngisi.

Natigilan ako nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy niyang babae.

"Babe! Patumbahin mo na iyan!" sigaw muli ni Molly.

Narinig ko ang pagsinghal ng kalaban ko at tumingin kay Molly, saka tumawa ng malakas.

"Alam mo bang isa sa mga naipatumba ng Master ko ang nobya mo?" Nakangising wika niya sa akin.

Nagdilim ang mukha ko at ngayon ay sigurado na ako kung sino ang tinutukoy niya.

"Love, kapag nakita mo ang video na siya sana maintindihan mo kung bakit ako umalis. Akala ko kaya ko. Akala ko matitiis ko. Akala ko matibay ako at kaya ko silang harapin at ipaglaban ka, ngunit anong magagawa ng isang katulad ko sa mga magulang mo? Alam kong maling-mali ang gagawin ko dahil ngayon mo ako mas kailangan, ngayon mo kailangan nang mapaghihingahan ng sama ng loob... pero kasi... mahina rin ako Russell, eh. Ayokong makita mo akong mahina sa panahong kailangan mo ng lakas, baka mabigo akong ibigay iyon at bigla mo akong iwan."

"R-Russell, umalis ako dahil mahal kita. Gusto kong hanapin ang sarili ko para sa 'yo. Sorry kasi hindi ko natupad ang pangako ko—ang mga plano natin at ang sabay nating pagtanggap ng mga diploma natin. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Ninakaw ko pala si Mongbee, alam kong mahal na mahal mo ang asong siya kaya iingatan ko siiya at aalagaan ng maayos. Hanggang sa susunod nating pagkikita. Paalam, mahal ko."

Fixing The Bad Boy's Broken HeartWhere stories live. Discover now