IV. Home ... again

11 0 0
                                    


Via

"Ladies and Gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. Asia Pacific Air welcomes you to Manila. On behalf of your flight crew headed by Captain Rio, with First Officer Pimentel and the rest of the team, we thank you for choosing Asia Pacific, your airline of choice. We just landed at Ninoy Aquino International Airport. Welcome to Manila. On behalf of the flight crew, led by Captain Rio with the help of First Officer Pimentel, we are grateful for your continued patronage and for choosing Asia Pacific. Welcome."

Napakurap ako't napatingin sa labas ng bintana. "I'm here . . . again."

Sari-saring masasaya at masasakit na alaala ang nanariwa sa isipan ko at halos lahat ng alaalang iyon ay sa amin ni Russell. Hindi ko maiwasang mapakat ng labi ng maalala ang napakasakit na pamamaalam na ginawa ko. Alam kong naging duwag ako at hindi ko nagawang magpaalam sa kanya ng maayos no'ng panahon na iyon pero hindi ko rin naman kayang magpaalam sa kanya ng harapan. Our relationship that time was toxic—not for the both of us but the people around us, especially his parents. Kaya ko naman siyang ipaglaban pero mga bata pa kami noon at ayokong sirain ang buhay niya dahil lang sa akin.

'But still, you ruin his life!' sigaw ng konsenya ko.

Marahas akong napabuntonghinga. Hindi iyon ang intensyon ko, we both suffer.

Naramdaman ako ang pagpisil ng kamay ni Kuya sa kamay ko. "You're spacing out, it's time to move."

Napalingon ako sa mga pasaherong nauna nang bumaba, ang kaibigan ko namang si Sally ay isinaklay na ang malaking handbag na dala niya't hinihintay na ang pagtayo namin.

Isa pang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko, wala ng urungan ito. Bago pa man ako nagdesisyong gawin ito ay pinag-isipan ko itong mabuti at kung anuman ang mangyari simula sa oras na tumapak ako sa lupa ay kakayanin ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sally. "Para kang kakatayin sa sobrang putla mo, Vee," panunukso niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at sabay-sabay na kaming bumaba ng eroplano. Bigla akong pinagpawisan ng malamig at hindi napigilang mapayakap sa sarili nang umihip ang panggabing hangin, nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Are you okay, Vee?" tanong ni Kuya.

Nakangiti akong tumango. "I'm fine," simpleng sagot ko.

****

PAGKATAPOS naming makuha iyong mga bagahe namin ay palabas na kami ng airport, palakas ng palakas ang kabog sa dibdib ko pakiramdam ko biglang lilitaw sa harap ko si Russell at handa nang isumbat sa akin ang lahat.

Shocks! Napapraning na yata ako, how in the hell would he come here in the first place! Hindi naman niya alam na darating ako.

I sighed.

"Kuya! Over here!" It was Chino, waving his hand towards us. Nakangiti siya't halatang masayang-masaya na makita kami.

Parang natuklaw ako ng ahas at hindi at hindi na magawang makagalaw pa, parang sa mga oras na iyon ay gusto kong bumalik sa loob ng eroplano at sumakay pabalik ng America nang tumingin siya sa akin, he was smiling but there's sadness on his eyes.

Inakay ako ni Kuya palapit kay Chino, mabilis na nagyakapan ang dalawa habang ako'y tahimik lang at hindi alam kung ano ang gagawin, bigla akong nahiya at kinabahan. Kung kay Chino pa lang ay ganito na ang nararamdaman ko, paano pa kaya sa ibang kaibigan namin? Will they still accept me as their friends? O ako na lang talaga ang nag-iisip na kaibigan pa rin ang turing nila sa akin?

Fixing The Bad Boy's Broken HeartWhere stories live. Discover now