X. Someone's being jealous

4 0 0
                                    



"No way! For real?" namimilog ang mga matang bulalas ni Zellea. Mabilis nitong inagaw ang gold card sa kamay niya at siniyasat iyon mabuti. "Oh my God, totoo nga! We're gonna have some fun overnight!"

"Let me see it too," ani Rosalie na kinuha ang gold card kay Zellea. "Puwede ko ba'ng hiramin ito kapag naisipan kong bumalik dito?"

Nagkibit siya ng balikat. "I don't know. Maybe, maybe not? Walang sinabi si Liam tungkol diyan pero ang sabi ni Ma'am Eillaine, nakapangalan sa akin ang gold card na iyan."

"Aw, sayang naman," ani Rosalie na biglang lumungkot.

"Tch. Sa yaman ng pamilya mo, bakit kailangan mong manghiram ng gold card? Why don't you ask your father about it?" ani Wilmar na sinamaan ng tingin si Rosalie.

Inirapan ni Rosalie ang lalaki. "Kailangan ko munang makapagtapos ng kolehiyo bago ako makahawak ng ganyang card. Isa pa kahit na sabihing may pera ang mga magulang ko, I think kukulangin pa rin iyon para makakuha ng ganyang gold card. Look, it's a three star gold card! It's a freaking free access card!"

"Deserve naman ni Via iyan, priceless ang ginawa niya, 'no? Take note, on the spot niyang ginawa iyon sa loob lang ng dalawang oras!" nakangising wika ni Chino at proud na tumingin sa kanya. "Pinsan ko yata iyan!"

"Bestfriend ko iyan!" wika naman ni Lloyd at inakbayan siya.

Pumiksi siya at itinulak ito palayo sa kanya. "Back off, Lloyd," nakangiwing saad niya rito.

"Huh? Wow, ha. Parang diring-diri ka dumikit sa akin, ah!" nakabusangot ang mukhang singhal nito sa kanya.

"Hindi na may nakaakbay sa aking lalaki," nakangiting sagot niya. Pero ang totoo'y bigla siyang hindi naalangan sa hindi niya malamang dahilan. Parang pakiramdam niya ay may pares ng matatalim na matang nakatingin sa kanila ni Lloyd.

"That's true," pagsang-ayon naman ni Sally. "Kahit kay Kuya Mico ay ayaw na ayaw niyang magpaakbay, maliban na lang talaga sa mga panahon na inaa—"

"How about we go to Bachelor's Den?" putol niya sa sinasabi ni Sally. Lihim niyang sinamaan ito ng tingin, kukuha talaga siya ng tiyempo mamaya para masolo si Sally at balaan. Umiiral ang pagkataklesa ni Sally at tiyak niyang kapag hindi niya ito pagsabihan ay baka maisiwalat na nito sa mga kaibigan nila ang naging buhay niya sa loob ng apat na tao sa Amerika.

"That's a good idea!" nagliwanag ang mukha ni Rosalie sa sinabi niya. "I would really love to meet Dabce and Zach, ang alam ko, single pa rin sila hanggang ngayon and they're really . . . super hot!" Nagniningning ang mga matang wika pa nito at humawak sa braso ng kapatid nitong si Stephanie.

"Talaga?" ani Sally na na-excite naman at sumabay na sa magkapatid.

Nagkatinginan naman sila at naiiling na sumunod sa tatlo.

"Okay lang talaga sa'yo na iwan iyong art mo sa Las Palmas?" tanong ni Dyke na sumabay sa paglalakad niya. Palabas na sila ng Mines View Park at papunta sa parking kung saan nakaparada ang sasakyan nila.

Tumango siya. "Mm. If I want something like that again, puwede naman ulit akong magpinta at isabit sa bahay namin," nakangiting sabi niya.

"You're right. I'm glad may napaglibangan ka habang mag-isa sa ibang bansa," sabi ni Dyke na ikinapatigil niya. Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napatingin dito.

"I'm not alone . . . kasama ko si Kuya Mico at Sally. They were there with me . . ."

"But you're not still okay," sabi ni Dyke saka tumingin sa kanya. "And that painting proves me right."

Fixing The Bad Boy's Broken HeartWhere stories live. Discover now