VII. My heart aches, and not ready

17 0 1
                                    

Via


Tiningan kong muli ang sarili ko sa salamin at nang makontento na sa itsura ko ay lumabas na ako ng CR. I need to hide the pain from them and the fact that I saw him. Siguro naman ay hindi nila nakitang pumasok si Russell kasama si Molly dahil kung hindi ay tiyak na magbabago na naman ang mood ng lahat.

"Are you okay?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Dyke mula sa likuran ko.

Pagbaling ko sa kanya ay nakita ko ang kaseryosohan sa mukha niya habang naka-cross ang mga balikat at nakasandal sa dingding ng CR.

"Y-Yeah," sagot ko at ngumiti pa sa kanya. "Kanina ka pa ba diyan?"

Hindi siya sumagot at lumapit sa akin at tinitigan ako sa mga mata, napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

"I know you saw them," mahinang usal niya.

Natigilan ako at biglang lumakas ang kabog ng puso ko, nakagat ko ang ibabang labi ko at hindi magawang tumingin sa kanya.

"And I hear you inside the cubicle, Via . . ." dagdag pa niya. "Now, can you tell me honestly? Are you okay?"

Marahas akong napabuntong-hininga at tila sumusukong tumingin sa kanya. "I am okay, Dyke—I need to be okay," sabi ko at nginitian siya. "Did they saw him too?"

Matagal bago umiling si Dyke at hinawakan siya sa balikat saka huminga ng malalim. "Why does this happened to us, Vee? Gusto lang naman nating magmahal, 'di ba? Puwede ko bang murahin si Kupido? This is all his fault."

Natawa ako sa sinabi niya at sinang-ayunan ang sinabi niya. "Let's go at baka kung ano na ang isipin nila sa atin," sabi ko na lang sa kanya at humawak sa braso niya.

Pagbalik namin sa grupo ay natuon agad ang tingin nila sa kamay kong nakahawak sa braso ni Dyke. I rolled my eyes and glared at them. "Don't jump into conclussions."

"Kung hindi namin kayo kilala, iisipin naming you both take time to confess your feelings to each other," nakangiwing wika ni Zellea.

Pagak na natawa si Dyke at nagkibit ng balikat. "I don't have nothing to say."

"Tch! Huwag kang umattitude, Dyke. Hindi bagay sa'yo," ani Zellea.

"Whatever," tila nang-aasar pa na wika ni Dyke at nag-roll ng eyes.

Nagtawanan ang mga kaibigan niya, lihim naman akong napangiti dahil napatunayan kong wala ng kahit na anumang samaan ng loob o awkeard moments sa pagitan nila. Kahit ang pinsan kong si Chino ay sumasali sa asaran ng dalawa.

"Uhm, who'll pay the bill?" tanong ni Sally.

Nagkatinginan naman ang mga kasama ko, nagkamot naman ng ulo ang mga lalaki.

"Oh, dali na, bet na," nakangising sabi ni Stephanie.

"Pambihira, wala pa nga akong jowa pero nauubos na allowance ko," himutok ni Wilmar.

"Vee, ikaw na gumawa ng bet," baling sa akin ni Zellea. Iniabot niya sa akin ang apat na table napkin at tumawag ng waiter para humiram ng ballpen.

Nagtipon-tipon kaming mga babae at tinakpan ako para hindi makita ng mga boys ang ginagawa ko. It's always like this, everytime we ate outside o sa mismong canteen ng school namin noon. They've never changed.

Pagkatapos naming tupiin ng maayos ang mga table napkin ay pinapili na namin ng isa ang mga boys, wala naman silang nagawa kundi ang kumuha ng tig-isang table napkin.

"Agh! Bakit ako na naman ang magbabayad?!" nakasimangot na singhal ni Russell habang hawak ang papel na may nakasulat na salitang 'unlucky!'

"Dude, matakaw ka kasi kaya pinaparusahan ka lagi," nakangising wika ni Chino.

Fixing The Bad Boy's Broken HeartOnde as histórias ganham vida. Descobre agora