Level Twenty Three - Why now?

190 9 6
                                    

- L E V E L  T W E N T Y  T H R E E -

42 days.. Halos 1 month and half na rin.

"Kai, tapos ka na dyan?" naiwan ako pati si ate Risa na naglilinis dito sa room. Hindi kasi ako nakagising ng maaga para magdala ng 'food to share' kaya naglinis na lang ako, nahiya rin naman ako dahil ang dami kong nakain kanina.

"Yup, kinuha na rin naman ni kuya 'yung kalat. Pwede na siguro tayong umuwi?" sabi ko habang pinapagpag 'yung kamay ko. Bigla naman bumukas 'yung pintuan, si Ma'am AC pala.

"Sabi ko naman sainyo na ako nalang eh pero salamat ah?" nakangiting sabi ni Ma'am. Nagpaiwan sa room si Ma'am, may gagawin pa daw siya kaya nagsabay na kami ni Ate Risa lumabas ng room. Sa tuwing maiiwan talaga, hindi mawawala 'to si ate Risa. Napakasipag kasi.

"Saan mo balak gumala, Kai?" tanong ni ate Risa.

"Eh, sa bahay lang ate. Medyo hindi maganda 'yung pakiramdam ko ngayon eh." tinignan ako ni Ate Risa na parang hindi naniniwala sabay alis ng tingin.

"Sus, araw-raw na 'yan ah. Closing Party ngayon Kai.. Bakit hindi mo kasama sila Althea?" naramdaman ko nalang na may nag-text, tss. GM lang pala. Nilagay ko nalang ulit sa bulsa ko. Paglingon ko, nandun na si Ate Risa kausap 'yung taga-III Deuxieme.

Hay, mukhang sa bahay talaga ang bagsak ko.

Naglakad na ako dahil busy si Ate Risa sa pakikipagkwentuhan doon. Kinuha ko 'yung cellphone at headset ko, pinakinggan ko ulit ung kantang tinugtog ko noong Prom namin. Byul.. Star.. Bituin.. Noong sumunod nga na araw na 'yun, may binigay sa akin na link si Althea eh. Video pala 'yun ng pagpapiano ko sa Prom namin. Noong tinignan ko ung views, 10 views palang pero mga 3 araw, nakita ko na pinagrerepost ng mga classmates at seniors umabot ng 11k views. Ewan ko nalang ngayon dahil hindi naman na ako masiyadong nagamit ng computer. Syempre nagulat ako, dahil masiyadong tahimik ung mga tao nun at tanging pagtugtog ko nalang ang naririnig. 

Kakapanood ko dahil nga hindi ako makapaniwalang nakatugtog ako noon, nakita ni Mama 'yung video. Nasa likod ko pala siya habang nanunuod ako. Tinanong pa nga niya kung automatic 'yung Piano. Ayaw pa maniwala na ako ung talagang tumutugtog dahil kahit kailan hindi pa niya ako narinig magpiano sa bahay kahit na meron naman kami, keyboard nga lang. Ni wala nga akong alam sa mga note and scales. Noong Grade 6 nga, muntik na akong mawala sa honor dahil sa music.

Balik tayo sa kasalukuyan, naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Sir Melvin nakatayo sa gilid ng gate. Nakatingin 'to sa relo niya ng mapatingin ito sa akin. Medyo nagulat pa siya ng makita ako, nginitian ko lang siya at naglakad na. Sakto namang lumipat ung kanta..

Kay tagal ko nang hinintay

Ilang taon na ang lumipas

Oh Bigla na lang dumating

Hindi ko akalain

O bakit ganito

Ako’y nalilito

Napangiti ako. Bagong diskubreng kanta ko lang 'to nang marinig ko sa radyo kaya kaagad na-sinearch ko ung lyrics na natandaan ko. Why now..

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon