Level Three - Former's Comeback

339 18 6
                                    

- L E V E L  T H R E E -

“Kai.. Gusto kita makausap..”

“Para saan pa? Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Alex!” Papatayin ko na sana ung tawag ng narinig ko siyang umiiyak.

“K-kai.. Let me explain.. M-mahal na mahal kita..”

“For what?! Para paniwalain mo ko sa mga kasinungalingan mo?! Mahal?! Mahal ba yung dahil lang nakipagbreak ako, magkakalat ka ng kasinungalingan tungkol sa akin?! At nalaman ko pa na noong tayo pa kung ano ano pinagkakalat mo! Ganyan ka ba magmahal?! Wala na, Alex. Sinira mo na yung tiwala ko sa’yo! Wag na wag mo na akong matawagan. I don’t need your explanation! You’re just wasting my time!”

 

Call ended.

Bakit hindi ba siya makapag-move on? 5 months na rin mula nung magbreak kami ah? Ni-hindi nga kami nagtagal ng isang buwan eh, dalawang linggo lang naging kami. Hinding-hindi niya na ako mapapaniwala sa kanya. Hinding-hindi na.. Kung nagtataka kayo kung sino iyon, si Alexander Sanchez yun. Recent ex-boyfriend ko. Ang totoo, apat na naging boyfriend ko. Malandi? Bahala na kayo maghusga. Lahat naman tayo nagiging curious. Lahat naman tayo nagkakamali.

- -

Dalawang araw nalang bago magbagong taon. Kung iniisip niyo na tinigil ko na ang pagtu-tweet at pagsesend ng mga messages sakanya, Nagkakamali kayo. 

Pinatuloy ko ang pagtutweet sa kanya. Hindi naman niya ako nakilala di'ba? Kaya okay lang. Walang dahilan para itigil ko.

Kasalukuyan akong nagiiscroll sa twitter ng mapansin ko yung tanong sakanya.

"Kuya, crush mo po ba si @LadyAnaaaaa" 

Nagulantang ako. 

Literal na lumaki ung mata ko sa tanong. Pero kung nagulantang ako sa tanong mas nagulantang ako sa sagot..

“Bakit?”

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon