Level Twelve - Nabugbog na Saging

250 11 7
                                    

Maayos na siya :)

Kung gusto niyo dedications. PM niyo ko :3

Next update. Maybe tuesday or wednesday. Enjoy!

---

- L E V E L   T W E L V E  -

Madilim na kalangitan. Basang daanan. Halos wala na akong makita kung hindi ang nagiisang ilaw bandang main gate.

Tinignan ko yung relo ko.

9:01 PM

Ganitong oras nasa bahay ako, nasa harap ng computer o nakababad ang mata sa cellphone, naghihintay ng mga sasabihin niya.

Pero ngayon, nandito ako sa gate ng school katabi ang isang taong hindi ko inaasahang makakasama ko sa ganitong sitwasyon, sa ganitong oras at sa ganitong pagkakataon.

“Ai?” kahit na medyo malakas ang ingay na dulot ng patak ng ulan, kahit na sobrang hina ng boses niya. Malinaw at malakas pa rin sa pandinig ko. Nilingon ko siya ngunit hindi siya nakatingin sa akin.

Teka. Paano nga kami ulit napunta dito?

*Flashback*

“Bakit-ummmphhh!” 

“Sshhh!"

“Umppph! Umpph!"

“Tsk!”

“Umppph! Umpph!”

Sa wakas, tinanggal niya rin ang kamay niya sa bibig ko. Infairness, ang bango ng kamay niya. Amoy vanilla.

“Ipis lang eh. Psh!”

Bigla niyang pinitik ung ipis sa ilong ko. Paano ko nakita? Bumukas bigla yung ilaw.

“Yun lang eh.” sabay roll eyes.

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon