Level Seven - 5ever

272 10 4
                                    

- L E V E L  S E V E N - 

Pag-uwi ko sa bahay kumain muna ako. Parang ang tagal kong hindi kumain dito sa bahay kasabay sila mama eh. Nakakamiss rin.

"Uuwi na raw Papa mo." literal na nabilaukan ako sa sinabi ni Mama. Agad naman akong inabutan ni Mama ng tubig.

"Talaga?! Eh diba po 10 months ang contract ni Papa?" 

"Oo.. Hayaan mo na. Para naman makasama natin ng matagal yung Papa mo."

"Tsaka magtatayo naman yata kayo ng negosyo, hindi ba?"

"Huh?! Paano mo nalaman?!"

"Eavesdrop. Chinese ba yung kausap mo nun Ma? Medyo nakaloudspeaker ka nun eh."

"Oo. Magtatayo kami ng Restaurant. Okay naman yun di'ba?"

"Ahh. Okay yun. Saan po ba Ma?"

"Ah, hindi ko pa alam kay Mrs. L---"

*RING~! RING~!*

"Wait lang nak ah.. Tapusin mo na yang kinakain mo."

Umalis muna si Mama para sagutin yung tawag. Tinapos ko na yung kinakain ko tapos hinugasan na rin ito. Nahiya kasi ako. Halatang pagod si Mama sa gawain sa bahay. Kahit naman medyo may kaya kami marunong naman ako gumawa ng gawaing bahay. Wala rin kaming maid ayaw nila Mama at Papa dahil takot kaming maloko ng mga maid. 

So yun, Pagkatapos ko maghugas ng plato umakyat na rin ako sa kwarto ko.

Inopen ko ang Laptop ko habang hinihintay na magopen yung laptop, tinignan ko muna yung cellphone ko. Hindi ko kasi siya nadala sa school, nakakatamad eh. Mamaya ma-confiscate pa. Wala rin naman akong load. 

Nakakagulat.

96 unread messages. 

Isang araw ko lang hindi hinawakan pero ganyan na?! Paano pa kaya pag tinamad na talaga ako ng bongga magbukas ng cellphone.

Puro lang mga Group Message ng schoolmates. Yung iba pati pagtawa binobroadcast pa. Kulang na lang pati pagutot at paghinga i-GM eh. Hindi nalang siya pumunta ng Puregold tapos doon ipagkalat, ano? Nagsasayang lang ng load, Nagsasayang lang ng Pera. 

Pero may isang message na nakakuha ng atensyon ko.

-

From: Be Althea

Kaya mo ba maghintay?

-

Obvious naman na hindi para sa akin yung text. Natututo ng magtago si Althea ah. Sana mapansin naman niya na hindi natanggap ng dapat pagsesend niya yung message. Psh!

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon