Level Ten - Her Teacher's Confession

251 11 3
                                    

- L E V E L T E N -

Melvin's Point of View

5:54 na ng umaga. Inaantok pa ako hindi na sana ako papasok pero kawawa ang students ko... at gusto ko rin siya makita.

Sisisihin niyo siya kung bakit puyat ako. Naiinis ako, hindi ako nakatulog sa kakaisip kung sino yung binanggit niya na lalaki kahapon.

Natulog ako sa bahay ng kapatid ko malapit sa subdivision nila Alexis. Paano ko nalaman?

Nakita ko siya pasakay ng Jeep kahapon, nakita ko nga na medyo nahihilo siya noon. Gusto ko sana siya lapitan para alalayan pero umalis na yung Jeep. Kaya doon nalang ako sa sunod na Jeep sumakay, nakita ko naman na bumaba siya sa Subdivision malapit lang sa Subdivision kung saan nakatira yung kapatid ko.

"Sigurado ka bang papasok ka, Vin?" tanong sa akin ng kapatid ko habang inaayos ko yung bag ko.

"Sayang ang isang araw, Ate Mel." sabi ko na lang..

"Sus, hindi mo pa sabihin ang totoo. Alam ko naman na." ngiti-ngiting sagot niya.

(Flashback) <---Click the Song--->

Nasa bahay ako ng kapatid kong si Ate Mel. Birthday kasi ng Pamangkin kong si Mikylla na anak nga ni Ate Mel.

Binabasa ko yung mga sulat sa akin ni K.A. Hindi ko siya kilala, pero parang kilala ko na kung sino siya. May babae kasi na lagi kong napapansin na tumitingin sa akin. Hindi ko rin alam pangalan niya, pero sa tingin ko yung nagsusulat at yung laging nakatingin sa akin ay iisa lang..

Maputi siya, Naka-full bangs, Medyo mahaba ang buhok, Medyo matangkad, Yung mata niya malaki pero ang ganda.. Sa unang tingin hindi mo masasabi na maganda siya pero pag matagal mo siya tinitigan.. Doon mo lang masasabi na maganda nga siya..

Ilang araw rin niya akong iniiwanan ng mensahe sa desk at bag ko. Sa totoo lang, noong una, tinapon ko yung first letter niya sa akin. Pero nagulat ako ng napunta ulit sa bag ko yun.

Hi Sir Melvin! How are you? Lately, I noticed you were really jaded. Weren't you? I hope you're okay. Please rest, Okay?

- K. A

Hello Sir! I saw you laughing.. I don't care if I am not the reason why you laugh, at least I saw you laughing.. Your laugh.. It's very contagious. Please laugh/smile often. :)

- K.A

Nainis pa ako noong una sa mga letter niya dahil masiyado siyang obsess. Feeling niya ata girlfriend ko siya.

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon