Level Fifteen - Triangulum

230 10 3
                                    

- L E V E L  F I F T E E N -

Thursday. Ewan ko kung napa-aga ako o kung puro late lang talaga yung mga kaklase ko. Miracle nalang siguro dahil maaga ngayon si Adrianne kasama yung iba ko pang classmates.

Alam niyo yung biglang naging abnormalite yung mundo? Ewan ko lang.. pero feeling ko nagbago yung mga tao sa paligid ko.

Una nalang si Sir Melvin, naging masungit siya lalo.. minsan ngingiti tapos pilit iniiba yung ekspresyon pag nakikita ko siya. Yung totoo, pyschotic ba si Sir?

Pangalawa, si Hyunsu. Bigla-bigla lang naman bumait. Minsan binabati pa nga ako pag nagkakasalubong kami sa hallway. Nagrereply na uli siya sa twitter.. Tapos ngumingiti pa siya sa akin. Mas lalo nga akong naiinlove, yun nga lang.. Nakakapanibago.

Naputol ang pagiisip ko ng biglang magtawanan sila Adrianne sa tabi ko.

“Grabe pre! Ang landi naman niyan.” sabi ni Rence.

“Dear Adrianne, alam mo bang gusto kita.. matagal na.” nagboboses babae pa si Christian. Ano nanamang trip nila?

 

 

“Hahahah! Grabe Adrianne. Ang landi naman nito.” habol pa ni Rence.

Natawa lang si Adrianne habang binabasa yung letter na galing siguro sa mga admirer niya.

“Sino nagbigay niyan?”  tanong ko.

“Si Kristina. Ang korni nga eh. hahahaha.” sabi ni Adrianne.

“Ang kiri eh. ‘alam mo ba napanaginipan kita..’” sabay tawa ni Rence.

“Grabe pre. hahaha. Dinaig pa—“

 

 

Hindi na ako nakapigil pa.. Masiyado na sila..

“Hindi mo lang naman ba naappreciate? Hindi mo ba alam na ilang araw at gabi niya sinulat yan? Ilang energy drink ang nilaklak niya para lang malabanan yung kaba? Ilang araw niya pinagisipan kung ibibigay niya ba yang letter na yan? Ilang bookstore ang hinanapan niya ng maayos na stationary? Ilang tao ang tinanong niya kung maayos na ba yung sulat niya? Ilang gabi siya nagpuyat para isulat yan? Korni? Malandi? Eh ano pa kayo? Ang sasama ng ugali niyo. Ikaw Adrianne, hindi ka man lang nagthank you? Hindi porket maraming nagkakagusto sa’yo gaganyanin niyo na, Kung hindi mo gusto sabihin mo ng maayos hindi yung pagtatawanan niyo. Hindi mo ba alam na mahirap yang ginawa niya? Bwisit!” sabay labas ng room.

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon