Entry #1

3.9K 49 12
                                    

Summer's Sunset by iammissred.


***

Entry #1 

"Nakakainis talaga eh. Ba't kasi nauso pa ang summer?!" pagrereklamo ko habang binababa 'yung gamit ko sa van.

"My God, Allie! Can't you just enjoy the sun?" sabi ng pinsan kong si Clei. 

"Ma-eenjoy ko naman sana ang summer eh, kung 'di mo lang talaga ako pinilit na sumama dito, at kung 'di lang talaga dahil sa Delirium Series," sagot ko naman.

She rolled her eyes at me, "Tara nalang, okay? Promise. Mag-eenjoy ka. Pagbigyan mo na ako. Ilang araw lang naman."

'Yun na nga. Two weeks ang masasayang sa pagpunta ko sa resort na 'to. Saka, ano ba mapapala ko dito? At least, sila, ginusto nila 'to.

Pumasok ako sa room ko at saka ni Denisse. Maayos naman 'yung kwarto nila dito. Sa katabi nitong room namin ay kwarto naman nina Clei at Rianne. Actually, wala talaga akong balak sumama kaso pinilit nila ako, and at the same time, binili kasi nila 'yung gusto kong trilogy eh ang mahal kaya nun.

Maya-maya, sumulpot na si Denisse sa kwarto namin para mag-ayos ng gamit.

"Uy, mag-siswimming na daw ang mga bruhang 'yun. Sama na ako. Ikaw?" sabi niya sa'kin. 

"Dito nalang muna ako. Susunod nalang ako maya-maya," sabi ko naman. 

"Sige."

Ayan. Tahimik na ang buhay ko. Kinuha ko 'yung first book d'un sa trilogy which is Delirium. Sobrang idol ko talaga 'yung author nito na si Lauren Oliver. Saka, synopsis palang nung libro, parang ang ganda-ganda na.

Umupo ako sa kama na malapit sa bintana at nag-start magbasa.

After thirty minutes, halos maluluka na ako sa binabasa ko. Grabe. Paano kung mamatay si Alex? O kaya si Lena sa huli?!

"Magkakalayo sila sa last part ng first book."

Napalingon ako. Doon sa may bintana, may nakatayong matangkad na lalaki. Naka-suot sya ngplain white na V-Neck shirt tapos beach shorts. Nakatingin sya sa'kin na parang nang-aasar. Tiningnan ko rin siya tapos umirap at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Tapos makakahanap si Lena ng bagong love interest sa second book. Pero--" 

"Will you shut up?"

Mukhang nagulat sya sa sinabi ko pero ngumiti rin siya.

Summer's SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon