Chapter Twenty Nine

85 6 0
                                    

Chapter Twenty Nine

"Monty! Anong ginagawa mo dito?"

Lumabas si Darcy sa gate. Bumaling sa akin si Damon bago binalik kay Darcy ang tingin.

"You askd me to pick you up."

"Oo, pero pasok ka muna sa loob."

"Hindi na, ihahatid na kita pauwi."

"Oh, I'll just get my bag."

Ang bilis ni Darcy pumasok sa loob uli. Naiwan kami ni Damon sa labas.

"Congrats kina Tita and Tito." Aniya. "Don't worry, nagpasundo lang talaga si Darcy."

"Uh," kinamot ko ang kilay ko. "Salamat sa regalo mo, ang galante ah."

"Ang oa ba ng ref?"

"Obviously. Ikaw talaga, mema ka lang." Natawa pa ako.

Nagkatitigan kaming dalawa, I suddenly feel how my heart beat.

"Uhm, ayaw mo talaga pumasok?"

"Hindi na. Late na din, may schedule ako bukas."

I nodded.

"Chen," tawag nya. "I miss you."

Hindi ako nakapag react kasi lumabas na agad si Darcy at niyakap ako.

"Kita nalang tayo sa office bukas! Bye!"

Hinila na ni Darcy si Damon palayo pero naiwan akong nakatayo doon sa may gate dahil hindi pa gaano nagsink in sa utak ko na sinabihan nya ako ng I miss you.

Pota, palibhasa, alam na alam ni Damon kung paano ako kunin.

"Oh, bakit ganyan itsura mo?"

Umagang umaga at iyon ang bungad ni Ernesto sa akin.

"Sinong nagsabi na pwede kang pumasok dito?" Tinaasan ko sya ng kilay. "Mommy!"

"May regalo ako kina Tita kahit wala ako kahapon."

"Taray, pa-travel travel nalang."

"Eh bakit muna ganyan itsura mo?"

Hindi ako sumagot at binati na si Mommy. Aalis sila ni Papa ngayon, punta silang Cebu for their honeymoon. Ayaw nga sana nila, pinush ko lang. Since deserve nila ng quality time with each other.

"Ingat kayo, Mommy, Papa."

"Susunod ka ba?" Tanong agad ni Papa sa akin.

"I'll check my schedule."

"Laging schedule. Parang di ako Papa."

Dinamba ko ng yakap si Papa dahil sa sinabi nya. Nangako naman akong susunod kapag umabot ako kasi three days lang sila dun.

"Wala kang lakad ngayon?" Ernesto asked.

"Wala. Bukas na ako pupunta kay Darcy."

"Yung ref, bigay ni Monty kina Tito?"

"Sinong nagsabi?"

"Si Jea."

Umupo ako sa may sofa at sumimsim sa juice ko. Nag indian seat naman si Ernesto.

"Kamusta? May bago kayong project ah?"

"Okay lang ba? Na tanggapin ko yung movie na kasama sya?"

"Anong sabi ni Direk Gray?"

"Na okay lang daw. Since professional kami both."

"Okay lang naman talaga. Unless di ka pa okay na kasama sya sa project."

Double TakeWhere stories live. Discover now