Chapter Five

53 5 0
                                    

Chapter Five

I took a sip on my coffee as Mila fixed my hair.

"Sponsor ang damit mo?" Jelly asked.

"Uh, oo. Si Adie Obis nagpadala nan kagabi."

Kumatok si Mommy sa may pinto. Kanina pa nga ako natatawa kina Mila kasi natitigilan sila kapag nakikita ang Mommy ko.

"Nagluto ako ng meryenda, iakyat ko ba?"

"Ay mommy! Ako na po kukuha, nakakahiya naman." Si Jelly na lumapit agad.

Mommy smiled and nodded. Ngayon kasi ang premiere night ng movie ni Channel. 4pm ang time kaya maaga palang nagcontact na ako kina Mila for my hair and make up.

"Raket nyo ba talaga to?"

"Sa Blessings Salon talaga ako. Si Jelly, reliver."

"So nakikita mo si Mommy doon? She worked there."

"Sa ibang brach ata sya. Pero oo, kapag may meeting ang mga employees ni Madam Jennica."

We took a break to eat some meryenda. Hindi ko talaga inexpect na magpapadala ng damit si Adie sa akin, nag iisip pa naman kami ni Mommy na kung saan ba rerenta ng damit. Magpapadalang ako ng gift kay Adie Obis para sa damit na sponsor nya.

"Ayan! Ang ganda!"

I checked myself in the mirror. Ngumisi pa ako kasi panay talagang pumupuri sina Mila sa akin.

"Hindi ka susunduin ng loveteam mo?"

"Huh, required ba?"

"Obviously."

Inayos ko na ang purse ko para sa mga dadalhin ko. Pababa na kami sa sala nang makita kong may pinapapasok si Mommy sa loob ng bahay. Nauna pang tumili si Mila sa akin sabay siko.

"Good afternoon." Monty greeted casually. "Damon Montero po."

"I know you hijo. I'm Lyda, Chen's mother."

Kaswal din na kinamayan ni Mommy si Monty. Tumango sya sunod kina Mila bago ngumiti sa akin.

"Susunduin mo ba si Chen?" Jelly asked. "Tamang tama, tapos na kami mag ayos."

"Akala ko hindi na?"

"I texted you, pero busy ka ata. I hope you don't mind?"

Binalingan ko si Mommy at nagpaalam na.

"Sige, mag iingat kayo. Hintayin ko lang ang Papa mo bago kami sumunod."

Nagpasalamat ako kina Mila at binilin na isend sa akin ang bank account nila para sa bayad. Then Monty guided me to his car.

"Hindi ba nakakaabala?"

"No worries, we're partners."

Tahimik kami sa biyahe pero di ako mapakali kasi ang gwapo nya naman. Normal ba to sa kanya? Napasinghap ako ng mahuli nya akong naninitig.

"Ah,"

"May dumi ba?"

"Wala. Napatitig lang." Umayos ako ng upo. "Do you think we need to act infront of the camera?"

"For our careers, I guess."

Humawak ako sa braso nya noong makarating kami sa venue. Madaming camera na agad ang nakatutuk. I saw Darcy and some of the staff. Huminto kami ni Monty at ngumiti sa mga press, he casually guided me on my waist. I smiled at the camera.

"Congrats on this movie, Chen. Sunod sunod ang break mo. Maybe, Monty is your lucky charm."

I smiled again. "Pwede din po. Thank you for the support."

Double TakeWhere stories live. Discover now