Chapter Twenty Five

39 6 1
                                    

Chapter Twenty Five

Hindi ko nga alam kung bakit ba nasa process ako ng moving on, tapos naalala ko, oo nga pala minahal ko sya. Sya lang naman tong napilitan.

Months had passed, hindi pa din makapaniwala ang mga MoNai fans sa nangyari. Especially that Damon and I need to release a statement regarding of what happened. Hindi ako naglabas, hindi din sya. Ending si Darcy at Vicky ang gumawa ng statement namin.

I actually appreciate some of our fans, kasi oo sumusuporta pa din sila sa amin. Pero ayoko na magkaroon ng connection sa kanya. Tapos na kami.

Puro horror movies ang tinatanggap kong project para walang loveteam. I don't want to have love team again, kaya kong gumawa ng pangalan ko ng ako lang! I don't need a man.

"What?" Tanong ko kay Darcy. Kanina pa kasi sya nakatitig.

"Are you sure you're okay?"

"Life must go on, Darcy."

I'd like to think that the destiny was on my side this time. Sunod sunod mga projects ko but I need to choose, kasi may responsibilidad din ako sa company ni Papa. And my parents were planning a simple wedding.

Hindi ko din alam na good thing ata na hindi ko nakikita si Damon sa kahit saan, mabuti na din kasi inaayos ko ang sarili ko.

"Eras tour here we go!"

I'm so excited for our short trip to watch Taylor Swift. Not really a fan pero nakikinig ako ng mga music's nya talaga.

"Chen? Totoo ba? Si Kiara ang dahilan ng break up nyo ni Monty?"

Napahinto ako sa paglabas ng Star Entertainment dahil sa mga reporter na lumapit sa akin.

"May kumalat na pictures nila noong panahong alam ng lahat na kayo? Anong masasabi mo dito?"

Hindi agad rumehistro sa akin ang mga sinabi nila. Ernest saw me, at dahil kinukuyog ako ng mga reporter ay ang bilis nya akong hinila. Bumaba na din si Darcy at Vicky dahil nga nalaman na may mga reporters.

"Ako na bahala kay Chen." Ani Ernest sa cellphone nya.

Kunot na kunot pa din ang noo ko nang tignan ko ang social media. Everyone assumes that Kiara was the third party. Madaming nag aaway na mga fans nya at fans ko. Binabalik iyong dati na kundi daw dahil sa akin ay kasal na sana sina Monty.

Hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko.

"May interview pa kay Monty about this issue. Pero tinanggi nya at iyon lang." Sabi ko sa sarili ko ng mabasa ko iyong article.

"Baka nga sya talaga ang dahilan kaya kayo naghiwalay ni Monty?" Ernest asked.

Umiling ako. "Nope. Everything is fake. At ngayon, ito ang pinag uusapan nila?"

Hinatid ako ni Ernest sa bahay namin. Since safe doon at wala masyadong nakakaalam na nandoon ako. Darcy called, sabi nya na nasa may condo building ko na daw ang mga reporter.

"Sino tong Kiara na to?!"

"Mommy."

"Aba! Kating kati na ba sya at inagaw sayo si Monty?"

"Mommy stop. Hindi iyon."

"Naiinis ako. Walang pwedeng mang api sa anak ko!"

"Ayan na yung sinabi ko diba, Chen? Magulo sa showbiz." Si Papa. "Hindi ka naniniwala sa akin. Kita mo nangyari."

We needed to address this issue. Kasi wala ding statement si Kiara. At kahit ayoko, kailangan kong maglabas ng side ko dito. Iyon din ang gusto ni Darcy.

Double TakeWhere stories live. Discover now