Prologue

152 5 0
                                    

Prologue

Diretso lang ang tingin ko sa harapan at tumakbo na. This became my daily routine before I went to work. Pero minsan kapag maaga ang call time, I need to skip running. Strikto pa naman ang manager ko.

"Hi Chen!"

Ngumiti at tumango ako sa mga bumabati sa akin. Well, most of the people in my neighborhood was used to seeing my face. Hindi lang nila maiwasan minsan na kiligin. At na-aapreciate ko naman yun. Pangarap ko lang to dati, pero ngayon abot kamay ko na.

Tuwang tuwa si Mommy noong nalaman nyang ang unang ganap ko sa movie at extra. And because of that, nandito na ako ngayon. Isa sa rising star ng Star Entertainment.

"Hi, Chen. Pwede po magpa-picture?"

"Pawis na kasi ako."

"Okay lang po!"

Nagpunas muna ako dahil nakakahiya naman. I smiled and strike a cute heart shape pose. Kahit pagod or may ginagawa ako, ititigil ko kapag may nagrequest ng picture. Para kasing its my way of thanking them for supporting me.

"Oh my god, Darcy!"

Nagulat ako pagbukas ko ng pinto ng condo, nandun na si Darcy sa loob at nagkakape.

"Tagal mo tumakbo ah."

"Marami nagpapicture."

Tinapik nya iyong folder na dala nya.

"Merong bagong movie for you! Pinaglaban ko yan."

Umupo ako at sinilip ang script and other contract.

"Book adaptation uli?"

"Yes. Kay Persephone. Actually kayong dalawa ni Savannah ang lead."

Pinasadahan ko ng tingin iyon.

"Kami lang?"

"Wala pang official na names. Pero syempre pinaglaban kita."

"Should I be flattered, Darcy?"

"Alam ko namang hindi ka tatanggi."

Tumayo ako at nag inat na.

"G ka ba, Chen?"

"Always."

Pumasok ako sa cr at naghilamos, pagkatapos ay nag luto na ako ng almusal ko.

"Strict diet! May photoshoot ka bukas."

"I know. Nakalista ba naman dito sa ref ko."

Boiled egg iyong almusal ko at avocado toast. Tahimik si Darcy sa gilid ko.

"Have you heard the news?"

"What news?"

"Kiara announced her engagement with Monty ah."

Ngumuso ako. Actually, kaya nga ako tumakbo ng maaga kanina kasi nabasa ko sa internet iyong news.

"I'm sorry. I know you're still sensitive with this topic."

"Okay na ko."

"Did you regret it?"

"Alin?"

Umirap si Darcy. "Na hinindian mo iyong proposal nya sayo. I was kinda surprised kasi all along alam ko maayos ang relationship nyo."

Maayos ba yung napilitan lang? Maayos ba yung sumunod lang pala sya sa utos ng iba?

"Hindi lahat ng maayos, ay okay talaga, Darcy."

"Ang pait."

I shooked my head. Tapos na iyon, ayoko na isipin iyon. I just have to focus on my career now.

Double TakeWhere stories live. Discover now