Chapter Six

63 5 0
                                    

Chapter Six

Napakurap ako at hinawakan ang leeg nya. His forehead knot.

"Lasing ka na ata."

"Damn, Chen. I'm serious." Anito. "I wanted to court you."

"We agreed to be partners on screen, wag kang magdesisyon basta, Monty."

Tumayo na ako at handa na syang iwan pero sumunod sya sa akin. I don't want to entertain this feelings, dapat focus ako sa goal ko.

"Chen... I'm sorry, I know I shouldn't be telling this."

Tinap ko yung balikat nya. "Okay lang."

He sighed. "Halika na, iuuwi na kita."

Sumulyap ako sa pwesto ni Iris at nakitang busy sya kaya tumango nalang ako kay Monty. Pareho kaming tahimik sa loob ng sasakyan. I was calculating what to say.

"Chen, are you okay?"

Kumurap ako. "Monty, kasi..."

"Seryoso ako pero ayaw kitang ipressure. Just forget what I said."

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. He continue driving and pulled over infront of my apartment.

Ayoko ng ibang isipin, gusto ko lang mag focus sa goal ko. Sa akin lang, wala pa akong plano para sa iba.

"Chen..."

"Thank you, goodnight."

Walang lingon na akong bumaba sa sasakyan at diretsong pumasok sa loob ng apartment.

"Why muna?" Iris asked.

"Enough reason na ayaw kong pilit ang lahat, Iris."

"Kungsabagay, for sure kasi na baka pilit lang yung kanila ni Kiara dati. Ang bilis eh."

Nilapagan kami ng assistant ni Papa ng meryenda. Biglaan ngang pumunta dito si Iris ngayon sa opisina kasi daw nawala ako kagabi sa party at si Monty. And since she trust me that much, I also trust her. Sinabi ko sa kanya iyong sinabi ni Monty.

"What if gumawa sya ng way uli?" Aniya. "Mapipilitang kang umoo."

"I'll be honest then."

"My god, Chen! I love you! Ikaw lang yung artistang nakita ko na di takot if ma apektuhan ang career sa sasabihin."

"Wala naman kasing permanent sa showbiz."

"That's right! Kaya sabihin mo kay Tito, mag aapply ako dito para incase na mawala ang career ko, I have back up."

"Sari sari ka talaga!"

Iris is my college blockmates before. Nagpapansinan naman kami pero casual lang talaga. Not until she heard that I was an extra sa mga movie. Doon na kami nagkakausap hanggang sa umabot na kami sa ganito. Madaming may galit sa kanyang artista dahil na din sa resting bitch face nya, at sa pagiging prangka nya.

Good thing that both of us were professional over this. As the shooting starts, Monty and I were good to go.

Bumaba ako sa van ni Darcy at ngumiti agad sa mga staff doon. I even kissed Direk Gray's cheeks, tapos natigilan ako nang maalala na sinabi na ni Jeanna kung sino ang ama ni Summer. And that is obviously Direk Gray.

"Chen?"

Kumurap ako at umiwas ng tingin kay Direk Gray. I greeted Claudine, Monty's manager. Then I saw Monty looking at me.

"Hi." I went to hin and gave him a soft kiss on his cheeks.

"I brought some breakfast." Aniya.

"Okay, thank you."

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon