Chapter Three

54 4 1
                                    

Chapter Three

I was listing all my said schedule sa ipad ko. Sa ngayon, kailangan kong tapusin ang mga nakatoka kong gagawin na school works. Plus, wala pa naman ako uling bagong line up na schedule.

"Maganda naman sya."

I rolled my eyes and ignore them. Well, since nakikilala na ako, hindi talaga mawawala ang mga ganitong senaryo. I just let everything flow, bahala sila sa buhay nila.

"I don't like her acting."

"Tyaka some of the heartthrobs, sya ang bukambibig."

"I doubt naman na ipapartner sya kay Monty uli."

"I like her, she's okay naman. Grabe kayo mang judge."

Inangat ko ang tingin ko, lumihis iyon kay Jeanna na naglalakad na papalapit sa akin. I waved at her at tuluyan nang binalewala ang mga tourism students na naguusap.

"Kumain ka na?"

"Hinihintay kita, pero bumili na ako." Nilapag ko sa table iyong take out food. "Tagal mo lumabas."

"May mga announcement pa iyong prof." Humikab si Jeanna. "Ikaw?"

"Mamaya pa uli class ko. 2pm."

Tumayo sya at tinapon ang ibang kalat sa basura, tumaas ang kilay ko. Pero ewan ko ba, parang may nagbago kay Jeanna? Or guni guni ko lang?

"Kamusta naman ang buhay artista, Chen?"

"Okay. Ang saya. Na-meet ko si Piolo Pascual."

Humikab uli sya. Tinagilid ko na ang ulo ko. Imposibleng buntis to, eh wala tong jowa.

"Bakit?"

I smiled. "Wala lang."

Sa bawat araw na lumipas, may kakaiba talaga akong napapansin kay Jeanna.

"Mommy, diba malalaman if buntis kapag malapad ang balakang?"

"Buntis ka?"

"Hindi ako. Si Jea."

"Si Jea? Wala naman syang boyfriend ah."

Ngumuso ako. "Baka nga meron. Alam mo naman yon, mahiyain."

Hinintay ko talaga si Jeanna na maglakad papalapit sa akin. I was scanning her whole body. Bumili sya ng water bottled, hindi ko lang talaga maalis ang mata ko sa kanya.

"Sandali, Jea." Hinawakan ko sya para matigil sya pag upo.

"Bakit?"

"Ang lapad ng balakang mo." Hinaplos ko pa ang balakang nya. "Para kang buntis."

"A-ano?"

"Buntis ka?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Paano ako mabubuntis?"

Nanliliit pa ang mata ko sa kanya.

"Tangina. Buntis ka?"

Nakita ko na kinabahan sya pero hindi nya pinahalata. Kaso mo sa aming dalawa ni Jeanna, sya yung hindi kayang itago ang nararamdaman.

"Ano ka ba, Chen."

Binalewala ko nalang iyon, kasi baka nga hindi. Pero hindi ko din inasahan na magpapasama syang bumili ng pregnancy test, at ang resulta ay buntis sya.

"Sino?"

Sabi nya, sa Thanksgiving party saw. I suddenly remembered that she was lost on my sight that night, masyado kasi akong abala sa pakikipag usap kay Monty.

Alam ko din na kinabahan si Jeanna sa naging sitwayson nya kaya nangako akong nasa tabi nya lang ako. Kahit kating kati akong sabihin kay Mommy, ay pinigilan ko. Palagi silang nagkikita ni Tita Anna sa palengke.

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon