Pahina 4

1.4K 43 16
                                    

Angel Rei pov//

Another day , another hell! Nagsimula ng maghasik ng lagim si Jiro. Sinundo ba naman ako rito sa bahay , as usual nagalit si kuya kasi hindi ako sasabay sakanya papasok sa school.

"Bata, dahan dahan sa maneho. Kapag namatay yang anak ko nang dahil sayo , mamamatay ka ng dalawang beses." banta ni papa kay Jiro.

"Papa , aalis na kami."paalam ko.

"Aalis na po kami papa." Saad din ni Jiro.

"Nakiki-papa amp , suntukin ko panga mo riyan e." bulong ni kuya sa unahan namin.

"I think your father's like me."Jiro whispered.

"I think he wants to kill you."bulong ko rin sa sarili ko. 

He opened the door for me kaya agad na rin akong pumasok. Pumasok na rin sa driver seat at ngumiti pa muna sakin bago nagmaneho.

He's handsome.

Chinito

Maputi

Matangkad

Matalino

Well he's the standard of some girls.

Ako , ano kaya standard ko? 

"Do you want me to turn on the stereo?" tumingin ako sakaniya at ako na ang nag open sa radio ng sasakyan niya.

"focus ka sa daan, baka mapano tayo." saad ko kaya  ngumiti siya saakin at tumango. 

Tahimik lang ako buong biyahe at ganoon din siya.

Nang makarating sa school ay medyo pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante sa paligid namin.

"Huwag ka masiyadong madikit jiro , ma-issue mga tao rito." bulong ko sakanya pero umakbay pa rin siya saakin.

"Ikaw kasi , kasalanan mo 'to." bulong niya saakin.

"Bakit ako?" tanong ko kay jiro na ngayon ay nakangiti na saakin.

"Malas mo , ikaw natipuhan ko eh." natatawang sabi niya at ginulo pa ang buhok niya.

"Malas mo , di ikaw tipo ko." tugon ko sakanya kaya napasinghap nalang siya.

"Eh ano bang tipo mo Raven para alam ko , willing naman ako mag-bago para sayo eh."  he said and I saw the sincerity to his eyes.

Humarap ako sakaniya at naglakad ng patalikod. Inayos ko ang salamin ko at kunwari ay nagiisip ng tipo ko.

"Ako , siguro ang tipo ko ay si—"

Ramdam ko ang pagiba ng anggulo ng paligid ko , may nabangga ba akong matanda shet.

Muntik na akong matumba at ngunit ramdam ko na may nakahawak na kamay saakin.

"Miss Hilary." bulong ko.

"Raven ayos ka lang?" mabilis akong inalalayan ni Jiro at kinuha niya ako kay miss.

My Everyday Life With You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon