Pahina 25

1.2K 40 21
                                    

Raven pov.

Nakahiga na ako sa kama ngayon, kanina ko pa tinitignan kung may chat siya or tawag kaso wala.

"Lagot ka sakin Hilary." bulong ko sa sarili ko. Umupo ako at kinuyom ang mga palad ko. "Hindi kita papansinin , mga 100 years." tugon mo.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinignan.

"Ayy blinock ko pala siya kaya di siya makakatawag saakin. HAHAHAHAHAHAHA." nabatukan ko ang sarili ko natawa pero sumeryoso ulit ako.

Pumunta siya rito sa bahay kung gusto niya mag-sorry saakin tsk.

At kapag di siya pumunta , edi magsama sila ng pinuntahan niya. Mga kulang sila sa aruga , si miss Hilary talagang.... Nako matatamaan saakin yon....

Matatamaan ng kiss saakin ehe. Baliw , bawal marupok raven. 

Biglang may kumatok sa pinto at agad na bumukas , si kuya na nakasalukbot lang ng towel sa katawan.

"Kadiri ka kuya , naka towel ka lang na pumunta rito. Akala mo may bicep ka? Baliw , puro ka lang buto pre." sinamaan niya ako ng tingin at agad niyang tinanggal ang towel niya at binato saakin.

"Maka-panlait ka eh!" sambit niya. Buti naka short siya , nako kapag hindi HAHAHA bubungad yung junior niyang kulang sa cherifer.

"Bakit ka kasi nandito?" tanong ko sakanya.

"Si miss stella nasa labas , galit na galit gusto manakit. Lagot ka , matatanggalan ka na ng scholarship sa Nolwenn."pananakot pa niya saakin.

I raised my eyebrow to him.

Paano ako matatanggalan eh Mahal ako ng may-ari nung school. Baby ako nung owner doon , pero ngayon kaaway ko muna siya.

Pero bakit siya galit? Diba dapat ako yung galit?

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba. Bumungad si papa saakin na nagbabasa ng newspaper.

"Magdasal ka , galit na galit yung girlfriend mong di mo pa nilegal saakin." ngumuso lang ako kay papa while he's shaking his head.

Sa sinabi ni papa na mag-dasal ako , nag sign of the cross na ako. Medyo kumakabog na ako sa Kaba eh.

Paglabas ko ng pinto at bumungad saakin ang mukha ni miss na kulang nalang ay may usok na lalabas sa bibig niya.

Now i know, hindi pa ubos ang Dinosaur sa mundo , mukhang nakapag-ipon siya ng apoy sa bibig niya at ibubuga na niya saakin ngayon.

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip habang lumalapit sakanya.

Kunwari galit ako, galit kami pareho.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sakanya , angas ko don.

"I'm your professor, learn to respect and use po or opo kiddo." sinamaan ko siya nang tingin at pinantayan ang tangkad niya.

Joke HAHAHA tinitingala ko siya ih , paano ko papantayan yan.

Hindi ako nagpatinag kaya napakamot nalang ako ng ulo.

My Everyday Life With You (On Going)Where stories live. Discover now