Pahina 28

1.1K 28 10
                                    

Raven pov.

"At bakit malungkot ka?" beatrice asked while we are walking papunta sa canteen.

"Monthsary namin ngayon , pero wala siya." i murmured.

Napatakip siya ng bibig at humawak sa balikat ko.

"Oh my gosh oo nga , ang sad talaga niyan. Hayss , wala eh. May kaagaw kang trabaho sa bebe cakes mo na si miss stella." she said while shaking her head.

"Hayaan mo na , naiintindihan ko naman siya eh." i smiled genuinely.

"Pero nasasaktan ka?" tumango ako at nagpout pa sa harapan niya.

Pagkarating namin sa canteen at nakita na agad namin ni beatrice si jiro at aquilo na may dala ng pagkain.

"Hello kanin, and hello to our angel." Aquilo uttered at inayos ang upuan na uupuan ko.

"Thank you Aquilo." ngumiti naman siya at bigla siyang binatukan ni Jiro.

"May girlfriend na yan , tama ka na sa pagiging pabida mo." Jiro shouted to him.

"Hoy kahit basted tayong dalawa sakanya , siyempre magiging gentleman pa rin tayo sakanya ano." sambit naman ni Aquilo at gumanti ng sapak kay jiro.

"Sus , tabingihin ko panga mo eh. Raven eto pala cookies , bake yan ni mama." he wiggled his eyebrow at kumindat pa saakin.

"Wag na daw poporma pero may pa cookies ka pa ha!" binato naman ni beatrice si jiro ng tissue.

"Hoy hindi, akala kasi ni mama may nililigawan pa ako." nakakaloko naman ang tingin ni Aquilo at Beatrice sakanya.

"Kumain na nga tayo , kung ano ano pang ginagawa niyong tatlo eh. Pagbuhulin ko kayo diyan." kumuha na ako ng pagkain at tahimik na kumain.

Tahimik lang kami sa table namin , walang nagtangkang magsalita. Minsan nahuhuli ko pa ring tumitingin si Aquilo at Jiro saakin.

Ewan ko kung bakit.

"Namumutla ka ah." tumingin ako kay jiro na ngayon ay naka cross arm habang nakatingin saakin.

"Ayos lang ako." i answered.

"Hindi ka pa ba magaling?" Aquilo asked too.

"Boys , malungkot lang yan. Because monthsary nila ngayon ni miss stella pero nasa ibang bansa naman ang prof niyo." beatrice uttered.

Ngumiti naman ako sakanila at nagsalita.

"Ayos lang ako, ano ba kayo."

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may reply na siya sa mga chat at text ko. Pero wala.

To my seiki.

Happy monthsary miss stella.

Kailan ka uuwi?

Akala ko ba uuwi ka ngayon?

:(

My Everyday Life With You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon