Pahina 19

1.7K 66 16
                                    

Author : kindly vote guys , it's a big help to me love lots.

Raven pov.

Start na lahat ng booths at nagsimula na rin ang mga sports game. Pero nandito pa lang ako sa booth namin dahil nagbibigay kami ng mga ticket sa bumibili.

Maraming mga manonood na rin ang pumasok sa loob. Pero may limit lang ang kada movie , at pwede silang mamili kung anong movie ang gusto nilang panoorin.

Libre popcorn na rin naman at soda can.

"Hello ate , magkano yung ticket niyo sa movie na yan oh!" turo ng batang babae sa movie namin nina sajin.

"30 pesos lang." sagot ko sakanila.

"Baby , dito tayo mamaya oh. Girl tyaka girl yung character." tawag niya isang bata pa na babae.

"Mukhang maganda nga baby , panoorin natin mamaya." siguro nasa 14 na sila pareho kaya laglag panga akong nakatingin sakanila.

"Ate dalawang ticket." inabot niya saakin ang 60 pesos at kinuha ang ticket saakin. "Mamayang 9:30 tayo manonood baby." tumango naman ang babae sakanya at sabay silang umalis at tinuro ang wedding booth.

"Don't tell me, magpapakasal sila sa wedding booth?" bulong ni beat saakin.

"Ang cute nila." bulong ko.

"Pft , tawagin mo si miss stella. Date kayo rito." inirapan ko siya at tinignan ng 'shut up looks.'

Nagtuloy na kami sa pagbebenta ng tickets , mukhang mas madami ang gustong manood sa movie namin.

Mga bading spotted!

Natapos na ang unang movie sa naunang batch , at may mga lumabas na nakikilig pa. Ang iba naman ay nasulyap pa sakin dzai.

"Siya yung kalia dun diba?"

"Ang ganda niya."

"Oo nga eh, crush ko na siya."

Ibat ibang sambit ng mga nadaan sa harapan ko.

"Wow naman , grabe ang haba ng hair natin raven ko. Dami nang may crush sayo , yieehhh daming kaagaw ni miss Stella." biglang sabi ni beatrice.

Hindi ko  nalang siya pinansin at tumutok nalang sa pagbebenta ng mga ticket namin.

Habang busy ang lahat sa sari-sariling booth ay biglang dumating si Dion. Kaklase namin at hingal na hingal.

"Guys guys!" tawag niya saamin.

Nagsitayuan naman ang ibang naga-assist sa gilid na kaklase namin at lumapit kay dion.

"Anong nangyari?" tanong ni Kyla.

"Si Beau , binugbog doon oh!" nanginginig na sabi ni Dion saamin.

"Hindi ba player siya ng billiard?" tanong naman ni beatrice.

"Kaya ba niya mag-laro?" tanong naman nung isa pa naming kaklase.

"Hindi ko alam , basta dinala na siya sa hospital. Mukhang yung kamay ang pinuntirya nila." saad ni Dion.

"Eh paano na yon? Kapag wala tayong representative sa billiard, malaking kawalan sa block natin yon. Mapapahiya tayo." sajin said.

"May marunong pa ba maglaro sainyo?" tanong ni  Eli.

My Everyday Life With You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon