Pahina 21

1K 36 7
                                    

Raven pov.

Pagka-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko si papa at kuya na nasa living room. Si kuya ay nakayuko at si papa ay galit ang tingin saakin.

Tumayo siya at umiling.

"Ano , may sasabihin ka?" galit na tanong niya saakin.

"Wala po—"

"Wala?" tanong ulit niya kaya tumango ako , tumingin ako kay kuya at ang mga mata niya ay nagsasabi na nang sorry saakin.

"Papa-" hindi na niya ako pinatapos na magsalita at muntik na niya akong masampal, pero yung flower vase ang pinulot niya at binato sa kung saan dahilan para mabasag.

"Putangina raven , bakit mo sinuway ni papa ha? Sino nagsabi sayong mag-laro ka nang putanginang bilyar na yan ha?!"sigaw niya saakin dahilan para tumulo ang mga luha ko at nagsimula umiyak.

"Papa-" hindi natapos sa pagsasalita si kuya dahil nagsalita ulit si papa.

"Sa mahabang panahon raven , ngayon mo lang ulit ako sinuway! Gusto mo bang gumaya sa nanay mong adik sa bilyar at masangkot sa mga gulo ha?!" sigaw niya saakin.

"S-sorry po papa.."

"Sorry? Nagawa mo na eh , pwede ka namang tumanggi sa mga kaklase mong pumilit sayo. Pwede kang umayaw pero mas pinili mong suwayin ako!" naiyak na rin si papa habang ako ay hindi na matahan sa pag-iyak.

"I-im sorry papa , im sorry po." nakayukong saad ko.

Lumapit si papa saakin at niyakap ako nang sobrang higpit.

He kissed my forehead, he caressed my head while crying too.

"Ayokong magaya ka sa nanay mo anak , naiintindihan mo naman si papa diba? Alam mong namatay ang mama mo dahil sa bilyar na yan diba?" tumango nalang ako sa sinabi ni papa habang nakakapit na rin ako sa mga bewang niya at parang batang naiiyak sa papa niya.

Para akong nagsusumbong kay papa.

"I'm sorry papa  , sorry po hindi ko na uulitin."

Tumayo na rin si kuya at nakiyakap saamin.

"Babantayan na talaga kita nang maiigi sa school mo. Sorry , kasi di kita natitignan ng maigi raven." kuya kissed my head too like papa did.

"Be a good girl anak , hindi habang buhay na mapo-protektahan ka ni papa. Paano kapag pikon yung nakalaro mo ng bilyar at natalo mo siya ha? Baka tambangan ka ng mga yon." naiintindihan ko si papa.

Naalala ko nangyari kay mama dati , she died because of it. Pinapatay daw siya nang mga taong nakalaro niya sa bilyar at malaki ang pustahan. yun yung sabi ni papa saakin.

Pagkatapos nung nangyari kanina ay nasa kwarto na ako, para akong inaapoy sa loob loob ko. Nahihilo ako na kung ano. Binuksan ko ang Aircon para malamigan pero bigla naman akong nilamig.

Hinawakan ko ang sarili ko at takte , inaapoy na ako ng lagnat. Pinilit kong tumayo at kumuha ng tubig sa baba at kumuha na rin ng gamot.

Nanghihina rin ang mga tuhod ko pero kaya pa naman.

"Oh gising ka pa?" tanong ni kuya saakin. " Namumutla ka ah.." lumapit siya saakin at hinawakan ako sa noo.

My Everyday Life With You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon