Chapter 45: Memories

1 0 0
                                    

Someone P. O. V.

Nandito ako sa labas ng paaralan at may hinihintay.

"Bakit hindi ka pumapasok?" Tanong ni Cris.

"Kasi hinihintay ko kayo." sagot ko.

"Tara na, papasok na tayo may ipapakilala kami sa'yo." sabi ni Anthony.

"Sino? 'Yan ba ang sinasabi n'yong girlfriend?" Tanong ko.

"Oo." sagot ni Anthony.

Nandito na kami sa loob ng cafeteria, kakain raw sila. Nagpaalam ako na maglilibot muna ako tango lang ang sinagot nila. Pagkatapos kong maglibot sa paaralan ay eksaktong nag-bell hudyat na magsisimula na ang klase kaya pumunta ako habang naglalakad ako. May biglang may naalala ako.

May isang lalaki nakatayo habang kaway ng kaway sa mga estudyante pero hindi naman pinapansin ng mga ito at may napansin siyang babae na nakatingin sa kanya at pagtingin ng lalaki sa babae ay nabangga pala ito pero umalis na ang lalaki pagkatapos nabangga ng babae ang lalaking estudyante.

"Ralph, ikaw na ang magpapakilala." sabi ni Anthony.

Pumunta na ako sa harapan para magpakilala.

"Ako si Ralph Villamartin, dalawampu taong gulang at sana maging masaya ang pamamalagi ko rito." sabay palakpak ng estudyante na kasama ko.

Pagkatapos kong magsalita ay umupo na ako. Doon ko lang naisip na ang ala-ala ko bilang multo ay bumabalik, tungkol kay nerd, sa halik at sa aking sarili. At ang itong paaralang ito pero may isang babae ang nakaagaw ng atensyon ko.

"Ako si Amber Ann Villafuerte, labing-walong taong gulang." sabay umupo siya.

"Nerd." sabi ko.

"Ha?" Sabi ni Cris.

"Wala." sabi ko.

"Anong Nerd ang sinasabi mo d'yan." sabi ni Anthony.

"Bigla ko na lang nasabi pre." sabi ko.

Pagkatapos ng magpakilala sa harapan ay nagtuturo na ang mga guro.

Nandito ako ngayon sa cafeteria kumakain at hinihintay ko ang mga kaibigan ko may ipapakilala raw.

"Iyon sila." sabi ni Cris at lumapit sila.

"Ralph, ito nga pala ang mga girlfriend namin ni Anthony." sabi ni Cris.

"Lien at Dina si Ralph, Ralph sina Dina at Lien." pagpapakilala sa akin nina Cris at Anthony at saka nagkamayan kami.

"Teka, nasaan si Amber, Lien?" Tanong ni Dina.

"Nandoon na naman sa library 'yon." sabi ni Lien.

Naalala ko na ang lahat ang pangungulit ko, ang halik, pag-aaway namin at ang pagiging multo ko. Tumatakbo ako habang papunta sa library at nandoon na ako ay hinanap ko siya ang sabi ay umalis na raw ang hinahanap ko at umalis na ako roon.

"Nerd." sabi ko at nakita ko na papalabas na siya.

"Neeeerrrd." sigaw ko at nagpalinga-linga siya.

Thrid Eye Where stories live. Discover now