Chapter 24: Kapangalan

1 0 0
                                    

Cassandra P. O. V.

Nandito ako sa kwarto na nag-iisip.

"Cassandra, anong iniisip mo riyan." sabi ni Alvin.

"Alam mo? Kapangalan ni Amber ang anak ni Mrs. Anne Villafuerte, Alvin." sabi ko.

"Si Amber? Iyon ang sinasabi mo sa akin na kausap mo kanina at paano mo naman nasabi tsaka alam mo ang pangalan ng anak ni Anne Villafuerte." sabi ni Alvin.

"Alvin, ang pangalan ng anak ni Anne Villafuerte ay si Amber Ann Villafuerte. Nasabi ko iyon kasi nandoon kami ni Carlito ang pinatay mo." sabi ko.

"May nag-utos di ba sa akin, ang sabi patayin ko ang anak ni Anne Villafuerte." sabi ni Alvin.

"Oo, alam ko iyon pwede mo rin naman di ba na huwag patayin si Anne Villafuerte at anak nila." sabi ko.

"Kung ginawa ko iyon ako ang papatayin at saka hindi mo ako makikilala." sabi ni Alvin.

"Sabihin mo sa mga pulis kung sino ang nag-utos sa'yo na patayin ang mag-ina o sabihin mo na lang sa akin kung sino siya." sabi ko.

"Kung hindi mo lang niligtas ang sanggol ay tapos na ang trabaho." sabi ni Alvin.

"Kung baliktarin natin ang sitwasyon. Tayo ang mayaman, sila ang mahirap at si Anne Villafuerte ang midwife. Patay na ako, anong gagawin mo? Syempre hahanapin mo ang pumatay sa akin." sabi ko.

"Hindi iyon mangyayari, kasi buhay si Anne Villafuerte. Hindi ko siya pinatay ang kailangang patayin ang tagapagmana ng Villafuerte." sabi ni Alvin.

"Ang ibig mo bang sabihin ay buhay si Anne Villafuerte? Paano mangyayari iyon narinig ko ang putok ng baril." sabi ko.

"Oo, pinutok ko ang baril pero hindi ko pinatamaan sa kanya." sabi ni Alvin.

"Hindi ako naniniwala sa'yo." sabi ko.

"Bakit nakita mo ba na pinatay ko si Anne Villafuerte? At saka ito na ginawa mo sa mukha ko. Alam mo gusto ko na kita patayin noon kaso may paparating na tao kaya hindi ko tinuloy." sabi ni Alvin.

'Tok!!! Tok!!!' May kumatok sa pinto.

"Ma, nag-aaway ba kayo?" Sabi ng anak namin.

"Hindi anak, nag-uusap lang kami ng papa mo." sabi ko.

"Tara na po, kakain na po tayo at gigisingin ko na rin sila." sabi ng anak namin.

"Susunod na lang kami ng papa mo at gisingin mo na rin sila." sabi ko.

"Sige po." sabi ng anak namin.

At umalis na ang aming anak.

"Sorry, hindi ko sinasadya na sabihin iyon." sabi ni Alvin.

"Pero hindi ko talaga pinatay si Anne Villafuerte, Cassandra." sabi ulit ni Alvin.

"Naniniwala na ako na hindi mo pinatay si Anne Villafuerte." sabi ko.

At bumaba na kami para kumain.

Thrid Eye Where stories live. Discover now