Chapter 8 : Happy Birthday

1 0 0
                                    

Dina P. O. V.

Ako si Dina Santos, ako ay labing-pito taong gulang at ako ay mabait pero masamang kaaway. Nandito kami sa bahay ng pamilyang Aguirre at ako ang naglagay ng libro na babasahin niya sa room. Iyon ang plano namin para masorpresa si Amber. Si Lien ang look-out namin kung nakita man ni Lien si Amber na paparating ay sasabihan kami para masorpresa namin siya.

"Paparating na si Amber, Dina." sabi ni Lien.

"Handa na ba ang lahat?" Tanong ni tito.

"Opo tito." sabi ko.

"Sige, patayin na ang ilaw." sabi ni tita Jane.

Pinatay naman ni tito Roberto ang ilaw at nakahanda na kami para sa sorpresa para kay Amber.

Amber P. O. V.

"Ma, Pa naputulan ba tayo ng ilaw?" Sabi ko.

Dahil pagkapasok ko sa bahay ay madilim ang bumungad sa akin kaya naisip ko ay hanapin ang pindutan ng ilaw at nang nahanap ko na ay binuksan ko ang ilaw.

"Happy birthday." sabi nila.

"Akala ko nakalimutan n'yo na ang kaarawan ko." sabi ko.

"Bakit naluluha ka anak, may nagawa o nasabi ba kami na hindi mo nagustuhan?" Sabi ni mama.

Hindi ko alam na naluluha na pala ako dahil siguro sa tears of joy.

"Tears of joy po ito mama, sobrang saya ko po kasi nandito kayo at mga kaibigan ko." sabi ko.

"Hindi kami nakalimot sa kaarawan mo anak, sa katunayan nga ay planado ang lahat di ba Lien at Dina." sabi ni papa habang hawak ang cake na may labing-walong kandila sa ibabaw nito ay may nakasulat na 'HAPPY 18TH BIRTHDAY AMBER.'

"Planado?" Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at nag-peace sign sila sa akin.

"Blow your candles, anak." sabi ni papa.

Bago ko hipan ang kandila ay nag-wish muna ako.

"Happy Birthday." sabi ulit nila.

"Sorry Amber, peace na tayo." sabi ni Lien. Nagkakasiyahan ang mga bisita at maraming bumati sa akin ng Happy Birthday.

"Tatanggapin ko ang mga sorry n'yo kung sasabihin n'yo ang mga tanong ko." sabi ko.

"Oo naman, ano bang tanong mo Amber." sabi ni Dina.

"Anong ibig sabihin ni papa na planado ang lahat?" Sabi ko.

"Ako ang naglagay ng libro mo sa room." sabi ni Dina.

"Ako naman ang look-out." sabi naman ni Lien.

"Salamat sa inyong ginawa at masaya ako ngayon dahil sinurpresa n'yo ako." sabi ko at niyakap ko ang mga kaibigan ko.

"Pinatawad mo na ba kami, Amber?" Tanong ni Lien.

"Oo naman, kaibigan ko kasi kayo." sabi ko.

"Pwede ko bang hiramin muna si Amber saglit lang." sabi ni papa.

"Oo naman po tito." sabi ni Dina.

Dinala ako ni papa sa kusina at nandoon si mama na naghihintay sa amin.

"May regalo kami sa iyo anak." sabi ni mama.

"Regalo na naman po, akala ko po ang cellphone ay regalo n'yo?" Sabi ko.

"Sa amin talaga galing ang cellphone pero ito ibibigay namin ay galing ito sa tunay na ina mo, binigay ng tunay mong ina kay Cassandra ito para ibigay sayo pero binigay sa amin ni Cassandra ito bago siya umalis. At ngayon ay ibibigay na namin ito sayo." sabi ni papa.

Binigay sa akin ni papa ang kwintas na may nakasulat na 'Villafuerte' pero maliit lang ang pagkakasulat na iyon at isinuot naman ni mama sa akin ang kwintas na niregalo ng tunay kong ina.

"Ang ganda naman po." sabi ko.

"Salamat po sa inyo." dagdag ko pa.

"Nerd, sige na tulungan mo na ako." sabi ng multong lalaki.

"Ah, mama pwede po ba pupunta muna ako sa kwarto ko." sabi ko.

"Oo naman anak." sabi ni mama.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay nagsalita ako.

"Ang sabi ko di ba ay hindi kita tutulungan at saka hindi 'Nerd' ang pangalan ko, Amber ang pangalan ko." sabi ko.

"Kapag hindi mo ako tutulungan ang itatawag ko na sayo ay...." Sabi ng multo.

"Ay ano?" Tanong ko.

"Ay 'Nerd' din, kaya mamili ka alin doon ang pipiliin mo? Nerd." sabi ng multo.

"Aaarghh!!! Ano ba wala naman akong pagpipilian ah." sabi ko.

"Hahaha ano pili na 'Nerd'."sabi ng multo.

"Sige na nga, tutulungan na nga kita kung hindi ka lang...." Hindi ko na naituloy kasi nagsalita na siya.

"Gwapo? Alam ko naman iyon, gwapo ang sasabihin mo, nerd." sabi ng multo.

"Multo ang gusto kong sabihin sa iyo." sabi ko pero gwapo nga siya.

'Amber ano ba tigil-tigilan mo nga iyan iniisip mo at mag-focus ka.' sabi ko sa isip ko.

"Amber, anong ginagawa mo at sinong kinakausap mo riyan." sabi ni Lien patay kang bata ka paano ba ito.

Thrid Eye Where stories live. Discover now