Chapter 37: Bad News

1 0 0
                                    

Anne Villafuerte P. O. V.

“Anak.” sabi ko at pumunta ako para mayakap ko siya.

“Anak? Teka sino po kayo.” sabi ni Amber.

“Amber Ann Villafuerte ang totoo mong pangalan, dahil ako ang tunay mong ina.” sabi ko.

“Tama siya Amber, siya ang tunay mong ina. Akala ko patay na siya kaya iyon sinabi ko sa kanila pero buhay pala siya.” sabi ni Cassandra.

“Alam kong buhay ang tunay kong ina dahil nakipagkita sina mama at papa.” sabi ni Amber.

“At nagpapasalamat po ako sa kwintas dahil kung hindi ko naiwala ang kwintas ay hindi po kita makikita, mama.” sabi ni Amber.

Nagyakapan kami at binigay sa akin ni Calvin ang kwintas.

“Nakita ko ang kwintas sa banyo habang naliligo ako.” sabi ni Calvin.

“Salamat Alvin.” sabi ng anak ko.

“Walang anuman iyon.” sabi ni Calvin.

“Amber, saan o kanino nakipagkita sina Jane at Roberto?” Tanong ni Cassandra.

“Hindi ko po alam pero sa Restaurant daw, bakit?” Sabi ni Amber.

“Wala lang.” sabi ni Cassandra.

“Manood na lang ako.” sabi ni Calvin.

“Ako rin.” sabi nina Lien at Dina.

“Kumusta na anak.” sabi ko.

“Okay naman po.” sabi ng anak ko.

“Amber, panoorin mo ito bilis.” sabi ng kaibigan ni Amber.

“Ano iyon, Lien.” sabi ng anak ko.

“Si tita Jane at si tito Roberto.” sabi ng isa pang kaibigan ni Amber.

“Si mama at si papa, anong nangyari sa kanila, Dina.” sabi ng anak ko.

Pumunta kami sa sala at may pinapanood sila.

“May isang bahay ang pinasok ng hindi pa nakikilalang tao, wala namang ninakaw na kahit ano pero ang mag-asawa ay nawawala.” sabi ng reporter sa telebisyon.

“Bahay namin iyan, nasaan na sina mama at papa.” sabi ni Amber.

“Amber, relax lang.” sabi ni Dina.

Amber P. O. V.

“Ayon sa mga tao rito napapansin nila na may ilang lalaki na binabantayan ang bahay ng mga Aguirre at palaging tinatanong kung may anak ang pamilyang Aguirre. At sinagot naman raw ay ampon mayroon pero anak wala.” sabi ng reporter.

Pinatay na ang telebisyon pero ako ito gulat na gulat.

“Sa tingin ko ay tauhan ni Menandro ang mga iyon.” sabi ni Alvin.

“Paano mo naman nasabi iyon.” sabi ni mama Anne.

“Dahil matagal na niyang hinahanap ang anak mo at ngayon sa tingin ko ay alam na niya kung kanino lumaki si Amber, ang anak mo.” sabi ni Alvin.

“Mama, tulungan natin sina mama at papa, please.” sabi ko.

“Huwag kang mag-alala tutulungan natin sila marami akong tauhan para mahanap natin sila.” sabi ni mama.

Thrid Eye Where stories live. Discover now