Chapter 38: Boss? Ikaw?

1 0 0
                                    

Someone P. O. V.

"Boss, nandito na kami sa lugar na sinabi mo sa amin." sabi ng tauhan ko.

"Kumusta na ang mag-asawa." sabi ko.

"Heto tulog pa, anong gagawin namin dito sa mag-asawa." sabi ng tauhan ko.

"Paaminin n'yo sila kung nasaan ang anak ng mga Villafuerte at kung nalaman n'yo na ay..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil may nagsalita.

"Menandro, pwede ba tayong mag-usap." sabi ni Mark.

"O... Oo naman." gulat kong sabi.

"Teka, parang gulat na gulat ka at sino ang kausap mo." sabi ni Mark.

"Eksakto tapos naman kami, bakit ka nga pala nandito." sabi ko at pinatay ko na ang tawag.

"Gusto lang kita kamustahin at saka malapit na namin malaman kung sino ang nagpapatay sa mag-ina ko." sabi ni Mark.

"Ayos 'yan, magaling kang pumili ng imbestigador at sigurado malalaman mo kung sino ang nagpapatay sa mag-ina mo." sabi ko.

Roberto P. O. V.

Nagising ako dahil may naririnig ako na nag-uusap. Ako ay nasa upuan na nakatali ang mga kamay ko at si Jane ay gano'n din.

"Jane gising, Jane gising." paggising ko kay Jane.

"Hmmm, nasaan tayo? Bakit tayo nakagapos? Tulong, tulungan n'yo kami." Mga tanong ni Jane.

"Jane, tumigil ka na sa tingin ko ay walang makakarinig sa atin 'pag sumigaw pa tayo." sabi ko.

"Gising na pala ang bihag natin." sabi ng lalaki habang papunta rito sa aming kinauupuan.

"Sino kayo? Anong ginawa namin sa inyo para kami ay kidnapin n'yo." sabi ko.

"Sa amin wala kayong kasalanan pero sa boss namin ay mayroon." sabi ng lalaki.

"Sino ba ang boss n'yo at anong kailangan niya sa amin." sabi ni Jane.

"May gusto siyang malaman sa inyo tungkol sa ampon n'yo." sabi ng lalaki.

"Ampon? Papaano n'yo nalaman iyan." sabi ni Jane.

"Ngayon, nasaan na siya. Kaya namin nalaman ay sinubaybayan namin kayo at nagtanong-tanong kami sa mga tao doon tungkol sa anak-anakan n'yo." sabi ng lalaki.

"Hindi namin sasabihin kung nasaan siya, manigas kayo." sabi ko.

Biglang sinuntok ng lalaki ang tiyan ko at nagsalita ang lalaki.

"Ahhh!" Sigaw ko sa sobrang sakit ng tiyan.

"Sabihin n'yo na sa amin kasi ang totoo." sabi ng lalaki.

"Hindi namin sasabihin kung nasaan siya at saka sino ba ang boss n'yo." sabi ko.

"Pasabugin ko kaya ang asawa mo." sabi ng lalaki habang nakatutok ang baril sa ulo ng asawa ko.

"Huwag n'yo gagawin iyan sa asawa ko." sabi ko.

"Sasabihin mo na ba kung nasaan ang anak-anakan mo, Mr. Aguirre." sabi ng lalaki pero parang pamilyar ang boses.

"Boss, nand'yan na pala kayo." sabi ng tauhan.

"Boss? Ikaw?" Sabay naming sabi ni Jane.

Thrid Eye Where stories live. Discover now