Chapter 28: Sino si A. M?

1 0 0
                                    


Mark P. O. V.

Nandito ako sa bahay ko kasama ang imbestigador. Nag-uusap kaming dalawa tungkol sa pag-iimbestiga niya.

"Anong balita sa pag-iimbestiga mo." sabi ko.

"Okay naman, may tanong ako." sabi ng imbestigador.

"Ano 'yon?" Sabi ko.

"Sino sa tingin mo si 'A. M'?" Sabi ng imbestigador.

"Hindi ko alam, pero kung kilala ni Carlito De Leon si 'A. M', ibig-sabihin ay kilala ko rin siya pero ang tanong ko sino siya." sabi ko.

"May dalawang theory akong naiisip." sabi ng imbestigador

"Ano 'yon?" sabi ko.

"Inutusan si 'A. M' na may galit sa inyo para patayin ang mag-ina mo pero nakaligtas sila o kaya si 'A. M' ang mastermind, siya din ang pumatay sa iyong mag-ina at alam niya kung saan niya itatago ito." sabi ng imbestigador.

"Kung gano'n pala sa tingin mo sa theory mo alin doon ang totoong nangyari." sabi ko.

"Hindi ko pa masasabi iyan sir, kasi may tinitingnan pa kami. Kapag nahanap na natin si Cassandra Medina na isang midwife ay malalaman natin kung ano ba talaga ang nangyari sa mag-ina mo. Dahil doon natin malalaman kung alin sa theory ko ang totoo." sabi ng imbestigador.

"At siya nga pala habang iniisip mo kung sino si 'A. M' ay may tanong ako." sabi ng imbestigador.

"Ano iyon?" sabi ko.

"May kaibigan ka ba sir?" Tanong ng imbestigador.

"Oo naman, si Menandro Octavio, bakit?" Sabi ko.

"Gaano mo siya kakilala, sir" sabi ng imbestigador.

"Simula ng mga bata pa kami ay kaibigan na namin ang isa't isa. May pagkakataon na nag-aaway kami dahil sa mga bagay-bagay pero nagkakasundo naman." sabi ko.

"Anong huling pinag-awayan n'yo, sir." sabi ng imbestigador.

"Ang huli naming pinag-awayan ay babae dahil ang babae na iyon ay walang iba kundi si Anne ang aking asawa. Hindi ko alam na may gusto pala siya kay Anne, nalaman ko lang iyon ng magtapat siya kay Anne pero hindi siya sinagot ni Anne, teka nga pala bakit mo naman tinatanong sa akin iyan." sabi ko.

"Kung gano'n pala ay nag-away na kayo sa isang babae, sa tingin ko hindi kaya si Mr. Octavio ay si 'A. M'? O kaya siya ang nag-utos kay 'A. M' na patayin ang mag-ina mo?" sabi ng imbestigador.

"Ha? Ano pinagsasabi mo riyan, hindi iyon magagawa ng kaibigan ko." sabi ko.

"Okay sir." sabi ng imbestigador.

Umalis na ang imbestigador pero ito ako iniisip pa rin ang sinabi ng imbestigador tungkol kay Menandro, ang kaibigan ko.

Thrid Eye Where stories live. Discover now