Love # 26: Endure

332 8 0
                                    

a/n: Annyeong chingus 😁 I'm already apologizing for the grammatical errors and the typographical errors I commited.. didn't get the chance to proof-read it.. hehe..

- ∞ - ∞ - ∞ - ∞ -

[MIECHIE JADEITE YOUNG'S POV]

Nakarating na kami sa bahay, nakalabas na si ate ng ospital.. Pwede na daw s'yang lumabas pero kailangan pa din daw nitong magpahinga..

Inalalayan ko si ate papunta sa kwarto n'ya habang kinukuha ni kuya yung mga gamit ni ate sa kotse.. Papasok na sana ako sa kwarto n'ya pero sabi n'ya okay lang daw s'ya at s'ya na lang daw yung papasok dun mag-isa at magpahinga na daw ako..

Ng makapasok si ate ay hindi ako nakinig sa kanya, sinilip ko s'ya sa kwarto n'ya at nakahiga lamang ito sa kama n'ya habang nakatitig sa kisame.. Automatic na pumunta sa may leeg n'ya yung kamay n'ya at napabangon ito ng wala sa oras ng wala itong nakapa doon na kwintas..

Naalala ko na kinuha ko nga pala iyon sa nurse dahil tinanggal iyon kay ate ng ipasok s'ya sa emergency room.. Agad akong pumasok sa kwarto ko at kinuha yung kwintas at bracelet na nasa isang maliit na zip lock na plastic..

Lumabas agad ako at kinatok s'ya sa kwarto n'ya..

"Ate?" Tawag ko sa kanya at pumasok ako sa kwarto n'ya at nakita ko na may hinahanap s'ya sa may table n'ya..

"Oh, Bam?" sabi n'ya at lumingon lang s'ya..

Lumapit ako sa kanya at inabot ko yung kamay n'ya at tsaka inilagay yung kwintas at bracelet sa kamay n'ya.. "Hinahanap mo yan di ba." sabi ko..

Tiningnan n'ya yung kamay n'ya at nakita kong lumungkot ang mata n'ya..

"Ate, mahal mo naman si kuya Mark di ba.." sabi ko at tumingin s'ya sa akin bago ako binigyan ng isang pilit na ngiti.. "Then why are you pushing him away? May kinalaman ba dito yung pagkaka-kidnap mo?" tanong ko.. "Please tell me ate.." sabi ko.

Pero imbes na sumagot s'ya at nagbigay lang s'ya ng isang ngiti sa akin at tsaka hinawakan ang pisngi ko..

"Trust ate.." sabi n'ya.. "I'll tell you when I'm ready.. But for now.." sabi n'ya at tsaka napunta sa may balikat ko yung kamay n'ya.. "..trust me.." sabi n'ya.. "I love him.. and that's all you need to know now, Jadeite.." sabi ni ate..

Minsan lang akong tawagin ni ate na Jadeite, at malimit kapag seryoso ang sitwasyon..

Bumuntong hininga ako at binigyan din si ate ng isang pilit na ngiti.. tumango ako sa kanya at tsaka n'ya inalis yung kamay n'ya sa balikat ko..

She opened the zip lock at kinuha yung kwintas..

"Wishbone.." sabi ko.. "If ever ate may wish ka.. ano yun?" tanong ko sa kanya at umupo si ate sa kama n'ya.. sumunod ako sa tabi n'ya at umupo din sa tabihan n'ya..

"I wish.. for eternal hapiness.. " sabi nito at tiningnan yung kwintas at tsaka hinawakan yung bilog na pendat sa tabi ng nung wishbone na pendant.. "..with the people I love.."

She was looking at necklace, at alam ko, kahit "people" ang sinabi n'ya, isang tao lang ang gusto n'yang makasama talaga.. Kinuha ko yung kwintas kay ate at tsaka isinuot sa kanya.. I also took the bracelet at sinuot ko din sa kanya iyon..

"Thanks.." sabi ni ate sa akin..

"Magpahinga ka na ate.. tatawagin na lang kita mamaya if ready na yung lunch.." sabi ko at tumango naman si ate..

Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong kong nakatayo sa may pintuan si kuya Jaycie.. 

"She loves him.." sabi ni kuya at nakakunot ang noo nito..

A Taste of Love [YWFF Book 2 - Stacie's Story]Where stories live. Discover now