Chapter 32

91 0 0
                                    

Phoemela's POV

Pagkaalis ni Dana dumeretso na ako sa loob ng bahay at tinungo ang kwarto. Dahil sa sobrang pagod ko kung anong kwarto nalang ang napasukan ko doon nalng ako humiga at natulog. Maya-maya naramdaman ko nalang na may humahaplos sa mukha ko kaya napailing ako.

"hmmmmm" iling ko. Pero patuloy paden to hanggang sa kiniliti na nito un tenga ko.

"Ano ba istorbo naman eh!!!" sabay dilat ko. Sus si Jojong bwisit lang pala kahit kailan talaga istorbo itong lalakeng ito eh.

"Gumising ka na jan mahiya ka naman kayla Nay Melda at sila pa nag-aayos ng gamit mo tyaka FYI hindi to ang magiging kwarto mo masyado itong malaki para sayo doon ka lang sa guest room" tama ba yun narinig ko guest room? Sa guest room lang ako papatulugin nitong hinayupak na to?

"HOY JOJO anong sabi mo sa Guest room lang ako?!" inis kong tanong.

"Oo bakit may angal ka? BAHAY KO TO kay ko ang masusunod" diinan ba daw yun BAHAY niya to TSK edi bahay niya saksak niya sa esophagus niya!!

"Leche!!!" sabay tayo ko sa kama at dumaretso na ako pababa nang makita ko si Itay na nanonood ng TV.

"Oh Mela gising ka na pala" -itay.

"Asaan po si Inay??"

"Ah nasa taas doon sa pangalawang kwarto sa taas, inaayos yun mga gamit mo"

"Ah sige po Itay punta lang po ako doon para matulungan ko naren po si Inay na maayos un mga gamit natin" sabay umakyat na ako kaso teka lang dalawa tong kwarto kay nag-isip muna ako kung saan dito. (>.>) (<.<)

"Wag tanga dyan sa kanan na kwarto, anjan si Nay Melda" nginusuan ko lang si Jojo tapos dumaretso na ako sa pangalang kwarto.

 "Nay tulungan na kita dyan" sabi ko.

"Ah sige halika dito ayusin mo itong mga tiklop ng damit mo lalo na yan mga bra mo ang gulo gulo ng ayos ano ba naman yan ang tanda tanda mo na burara ka paren!!"

O//////O

"Nay naman nakakahiya naman yan mg pinagsasabi niyo. Give respect to your daughter naman nay" grabe umakyat ata lahat ng dugo ko nun sabihin ni Inay yun, nakakahiy tuloy sa inyo kyaaaaaah sensya na ah.

"Maiba tayo Mela, may itatanong ako sa iyo"

"Ano po yun Inay?"

"Talaga bang.....talaga bang?" anong talaga bang? pabitin namn itong si Inay.

"Talaga bang ano po Nay?" tanong ko.

"Talaga bang wala kang naalala?" 

"A-ano po?" ninenerbyos ako grabe paanong?

"Talaga ba na may amnesia ka?" anong isasagot ko kay Inay? sasabihin ko na ba? pero baka---- Hindi Nanay ko siya kaya dapat hindi ko siya paglihiman.

"Nay tatapatin ko po kayo, wala po talaga akong amnesia" hindi na pansin na nagulat si Inay dahil siguro alam niya ng nagpapanggap ako na may amnesia siguro dahil sa Nanay ko siya at kilalang kilala niya na ako.

"Pero paano si Yohan?" Si Yohan? Paano si Yohan? Tama ba ang naririnig ko?

"N-nay?" gulat kong sabi.

"Naisip ko lang paano si Yohan nagmukha siyang tanga anak dahil naniwala siya na may amnesia ka at hindi niya alam na nagkukunwari ka lang" tama bang naririnig ko na concern si Inay kay Yohan.

"Pero Nay mas maganda po na malaman niya nalang na hindi ko siya naaalala dahil sa nagawa niya sa akin" pag-aalibay ko pero parang nakaramdam ako ng awa kay Yohan pero kung iisipin ko yun ginawa niya sa akin, yun pambabastos niya sa pagiging babae ko.

"Anak wag ka sanang magalit sa akin pero siguro naman nagawa niya lang yun dahil sa mahal ka niya" ano ba itong si Inay, ano ba ang nangyayari dito?

"Inay pagkakababae ko po ang nasira niya I mean yun puri ng pagiging babae ko nawala ng dahil sa ginawa niya" nafi-feel ko na parang may ulap na namumuo sa mga mata ko na nagbabadyang pumatak. Oo mahal ko pa si Yohan, hindi lang mahal kundi mahal na mahal na mahal kaya hindi lang yun paghalik niya sa akin ng marahas ang dahilan ng pagpapanggap ko na may amnesia ako.

"Sabi nga pala sa akin ni Jojo na gusto mo daw lumipad papunta States" pag-iiba nito ng usapan.

"Ah sinabi niya na po pala sa inyo"

"Anak kung gusto mo makalimot sa mga masasakit na panahon na nangyari sa iyo bakit hindi mo nalang ito gugulin sa pagtatrabaho mo? Atleast kahit papaano nandito ka sa Pinas at hindi ka malayo sa amin"

"Sasama po kayo sa akin Inay hindi ko kayo pabayaan ni Itay dito" sagot ko.

"Anak bago ka magpasya mag-isip ka muna ah kasi ayokong magsisi ka sa huli dahil alam kong higit pa sa nararamdaman mo ngayon ang mararamdaman mo kapag nabigo ka sa mga pinaggagawa mo" alam ko nag-aalala lang si Inay sa akin, at alam ko na ayaw niya lang akong masaktan kaya naiintindihan ko kung ano ang gusto niya pero maghihintay muna ako ng tamang panahon para sa kung ano ang gusto ni Inay na gawin ko.

~~~~~~

Pasensya na po sa inyong lahat dahil nagbura po ako ng mga ilang chapters :) sana po maenjoy niyo itong story ko and malibang po sana kayo. Thank you.

VOTE>COMMENT> BE A FAN

Yesterday BrideWhere stories live. Discover now