Chapter 11

206 5 1
                                    

Pagkatapos namin kumain nagkayayaan sina Itay at Jojo na magchess sa labas kaya kami nalang ni Inay ang naiwan sa kusina

"Inay ako na po ang magliligpit" sabi ko kay Inay..

"Ay hindi na anak , diba sabi mo tatawagan mo si Yohan kaya sige na tawagan mo na muna siya ako na bahala dito"

"sigurado po kayo ah , sige po doon lang po ako sa taas" Umakyat na ako sa taas at pumasok na ako sa kwarto ko , wala pa ding nagbago maganda paren kaso parang medyo maalikabok na , hindi naman kasi natutulugan eh. Agad na ako nag-dial ng number ni Yohan.

*kriiinnngggg....kriiiinngggg*

(hello??)

Hello Yohan 

(oh babe napatawag ka ??)

Ah kasi sasabihin ko sana sayo na sa Sabado nalang kami uuwi nila Inay at Itay dyan sa Manila.

(bakit naman ??)

Kasi gusto ko pang mag stay dito kahit 1 day pa.

(Sure. basta ikaw babe walang problema , basta uuwi ka dito na kasama mo na sila ah ?)

oo naman promise ko yan.

(thank you Babe I Love you )

I Love You More. bye

*toooot....tooooot*

BOOOOGGGGGGSSSHHHH !!

Nagulat ako ng biglang may narinig akong bumagsak na parang baso kaya agad akong pumunta sa may pintuan ng kwarto ko.

~~~~~

Jojo's POV

Mabilis kaming natapos mag-chess ni Itay kaya naisip kong puntahan si Mela sa loob dahil naalala kong may ibibigay nga pala ako sa kanya. Pagkapasok ko sa kusina ang naabutan ko nalang ay si Nanay Melda.

"ah Nay Melda asan po si Mela ??" tanong ko kay Nanay Melda habang naghuhugas siya ng plato.

"ah iho tignan mo sa kwarto niya kasi sabi niya aakyat na siya"

"sige po salamat Nay Melda" sabay umakyat na ako sa taas at tinungo ko na yun kwarto niya.Bubuksan ko na sana yun pinto kaso narinig ko na may kausap siya.

(Sure. basta ikaw babe walng problema , basta uuwi ka dito na kasama mo na sila ah ?)

oo naman promise ko yan.

(thank you Babe I Love you )

I Love You More. bye

Dinig na dinig ko ang pag-uusap nila mula sa kinatatayuan ko .Bakit ? kasi naka-loud speaker yun cellphone ni Mela kaya nun narinig ko yun pagpapalitan nila ng I love you nabitawan ko yun mga mug na dala ko para kay Mela na sana ibibigay ko sa kanya.

 BOOOGGSHHHHH !!

"Oh Jojo anong nangyari ??" O_O nagulat ako nun bigalang lumabas si Mela mula sa kwarto niya. Kaya agad agad kong pinulot yun mga basag na piraso ng mug.

"ah...eh... w-wala ibibigay ko lang sana to kaso nadulas sa kamay k----OUCH !!!" napasigaw ako sa hapdi ng masugatan yun daliri ko nun mga bubog.

"ANONG NAGYARI SA IYO JOJO !!" agad napa-upo si Mela sa tabi ko at tinignan yun sugat ko.

"w-wala lang to Mela malayo sa puso to" sagot ko sa kanya.

"anong wala eh halos tumulo na yun dugo dyan sa mga daliri mo tapos sasabihin mo lang wala , halika nga rito sa loob ng kwarto ko gagamutin ko yan sugat mo" hindi na ako nakapalag pa sumama na ako sa kanya sa loob ng kwarto niya.

++++++

VOTE.COMMENT.BE A FAN 

Yesterday BrideWhere stories live. Discover now