Chapter 26

178 3 8
                                    

   "Phoemela ?" masaya kong bati sa kanya.

     Napansin ko sa mga mukha niya na parang may pagtataka kaya napatingin ako kayla Inay at Itay. Pero parang ang sagot lang nila sa akin mula sa mga mata nila ay parang hindi din nila alam kung bakit ganoon nalang ang pagkatingin sa akin ni Phoemela.

"Ah Mela anak kumusta na"

"I-i-inay ?"

"Oo Mela ako to ang Inay mo , OK na ba ang pakiramdam mo ?"

"Ah ano po ba ang nangyari ?"

"Hindi mo alam ?"

"Hindi nga po , bakit po ba ako nasa hospital ?" Nagulat kami pare-parehas nila Inay at Itay dahil sa sagot ni Phoemela.

"Ah Doc bakit ho parang walang naaalala ang anak ko ?" tanong ni Itay sa Doctor.

"Ah Sir hindi ko po inaasahan na magkakaroon siya ng amnesia kasi sa mga nakaraang observation namin sa kaniya while she's in coma eh maayos naman po , pero meron din pong possibilities na magka-amnesia siya kaya hindi naren po nakakagulat na magkaroon siya ng amnesia pero we don't expect na magkakaroon siya ng amnesia dahil OK naman lahat ng observation namin sa kanya araw-araw"

"Pero------

"Nay Melda si Phoemela po !" 

"Jojo ?" dinig kong sabi ni Phoemela. 

"Mela anong nangyari sayo ha ?"

"Ah iho mahabang kwento basta na-coma si Phoemela"

Yesterday BrideWhere stories live. Discover now