Chapter 15

175 5 0
                                    

"PHOEMELA !!" teka.... parang kilala ko na kung sino tong sumigaw ng pangalan ko.

"OH Beniz andyan ka na pala akala ko tinabla mo na ako eh , ang bilis mo ah !!" sabi ko na medyo nagpaparinig na ang tagal niya talaga.

"hehehehe...ito naman pasensya na kung natagalan ako , naligo pa kasi ako e" palusot.com

"Mela anak siya na ba yun kaibigan mo na susundo sa atin ??" tanong ni Inay sa akin.

"ah....opo Inay siya nga po yun kaibigan ko na SUSUNDUIN tayo kanina pa" talagang in-emphasize ko yun salitang SUSUNDUIN.

"ah...hehehe...a-ako nga po p-pasensya na po kung medyo natagalan sige po sakay na po kayo sa kotse" sabi ni Beniz kayla Inay at Itay. Buti nahiya siya akala ko hindi e , ang tagal-tagal namin naghintay sa may bus station nuh.

"Hoy Phoemela hindi mo man lang sinabi na kasama mo pala mga magulang mo , nakakahiya tuloy naghintay pa sila , edi sana binilisan ko" pabulong na sabi sa akin ni Beniz.

"Bruha ka , ang tagal-tagal mo!!!"

"oo na...pasensya naman , kalma lang tayo ah easy easy"

"TARA NA NGA !!!" sigaw ko sabay pasok sa may kotse.

  Mga 40 minutes din bago kami nakarating sa may condo ko , medyo may kalayuan kasi. Habang nasa biyahe kami , halata kong namamangha sila Inay at Itay sa mga building na malalaki na nakikita nila kasi kahit ako naman ganyan din nun unang dating ko sa Manila. At nun pagkapasok palang namin nila Inay at Itay sa condo ko....

"Anak , ito ba talaga ang tinitirahan mo ??" tanong ni Inay sa akin na halatang di makapaniwala.

"Oo naman po Inay , ito po ang tinitirahan ko ngayon hindi po ba kayo makapaniwala" pagmamalaki ko syempre :D KAPAG MAY TYAGA MAY CONDOMINIUM hahahaha iniba ko nuh :D.

"Naku Melda masipag kasi itong anak natin manang-mana sa akin HAHAHA :D" hay naku ang Itay gusto nanaman yatang makipagtalo kay Inay.

"HOY !! Noy tumahimik ka , sa akin nanggaling yan si Mela kaya sa akin nagmana yan" OH anong sabi ko sa inyo diba tama ako , pati yun pagtatalunan hayyy mga magulang ko talaga.

"Inay at Itay naman eh syempre sa inyo ako nagmanang dalawa eh anak niyo ko parehas eh kayo po talaga pati yun pinagtatalunan niyo pa" sabi ko

"Oo nga po Mam at Sir kaya tignan niyo po yan anak niyo ang dami ng napag-ipunan pati po itong condo na ito , oh diba po BONGGA !! :D" isa pa tong si Beniz saltik-saltik den parang walang nagawang kasalanan sa akin kung magcoment sa usapan namin nila Inay at Itay.

"Ineng huwag mo na akong tawaging Mam , Nay Melda nalang"

"Ako ren Ineng wag ng Sir ang itawag mo sa akin , pwede mo naman akong tawaging Tatay Noy o Tatay nalang"

"Parang ang weird naman po kung Tatay Noy at Nay Melda ang tawag ko po sa inyo , ump w8 iisip muna po ako.................... AHA alam ko na Tita at Tito nalang po ang itatawag ko sa inyo , pwede po ba ??" tanong ni Beniz

"Hay naku nakakatuwa ka talaga Ineng bibong-bibo ka" sabi ni Itay na halata mong natutuwa mabuti sa kasaltikan nitong si Beniz.

"Tama na nga yan Itay , saltik lang talaga yan si Beniz HAHAHA :D, tara na po ayusin na po natin yun mga gamit niyo sa bago niyong room"

"eh paano naman ako ?" ay naku Beniz Beniz Beniz !!

"Halika tulungan mo naren kami ng makabawi ka"

"YEHEEEYYYYYYYY pakiss nga friend *mwah*" oh tuwang-tuwa na siya hahahha wattafriend :D, may haik pang kasama grrr.

+++++++

VOTE>COMMENT>BECOM A FAN

Yesterday BrideWhere stories live. Discover now