Epilogue

31.7K 891 79
                                    

Epilogue


Cassandra's POV


Dumating na rin ba sa point ng buhay mo na parang sobrang kontento ka na?

Wala ka ng mahihiling pa at masaya ka na sa kung anong meron ka.


Yan yung nararamdaman ko ngayon habang tinitignan ang prinsesa ko at ang kanyang ama.

Naglalaro sila habang ako naman ay nagaaral pa rin magluto kasama si Alisha.


"Alam mo bes, I can't believe na graduation na natin mamaya. This calls for a party!!!" Tuwang-tuwang sabi ni Ali habang seryoso akong naghihiwa ng mga vegetables na lulutuin ko.


Oo nga pala, graduation na namin.

Not as highschool teenagers but as college students.


Hindi kasi ako tumigil sa pagaaral after my mom's death.

Nakumbinsi ako nila Ali na ituloy ko yung pagpasok sa school kahit na lumalaki yung tiyan ko.

At first, mahirap kasi pinaguusapan ako. Madaming nagjudge sa akin at sinabihan akong malandi pero nung kinalaunan ay nasanay na rin ako at tumigil na rin naman sila sa mga panlalait nila.


When Caylee was born, naging mas maayos na ang lahat.

Para siyang lucky charm sa aming lahat.


Si Lance at Ako, naging stable na yung relationship namin. Though hindi pa kami nagpapakasal dahil parehas pa kaming bata four years ago. Napapagusapan na rin naman namin yun pero mas nagfo-focus kasi ngayon sa pagpapalaki sa anak namin.


Si Britney naman ay nasa Paris ngayon. She said she wanted to be like me. Yung magkaroon ng sarili niyang fashion line. Since siya na lang ang natitirang kamaganak ko ay sinuportahan ko na siya sa gusto niya. Ayoko mang mapalayo siya ay hindi ko siya pinigilan sa gusto niya. Kasama nga pala niya si Dan na sumunod pa talaga dun. Nagalit nga ako dahil baka kung anong mangyari at magaya pa sila sa amin ni lance pero nagpromise si Britney na hindi niya babaliwalain yung tiwala ko sa kanya.


Ibinigay ko na nga pala sa papa ni Brian ang company ni Papa. Tito Eric deserved it. Sobrang tagal niyang nagsilbi as my dad's partner in their business. Tsaka hindi ko rin naman kayang mapatakbo iyon dahil wala talaga akong kaalam-alam sa kumpanya ni papa.


Yung oil company naman ni Mama, I'm happy to say na si Kuya Leon ang CEO na nun. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang dating lassengerong kuya ni Lance ay nagsusuot na ng corporal suit at englishero na ngayon. Natawa nga kami ni Lance. Parang swerte pa pala daw na pinabugbog ng mama ko ang kuya niya dahil simula nun ay nagtino na si Kuya Leon. He asked for my help para makapagaral siya at makatapos. I'm happy na ngayon successful na siya.


Si Chelsea naman, nakakatuwang naging sila ni Brian. Hindi ko alam paano sila nagligawan pero nabalitaan ko na lang kay Lance na girlfriend na daw ni Bry si Chelsea. Nagkabati na nga pala kami ni Chels nung binyag ni Caylee. We both decided to forget about the past and move on.


Si Alisha? Ito. Single pa rin ang loka. Though, mukhang malapit na maging sila ni Shaun.Lagi kasi silang lumalabas at nakukwento ni Alisha na consistent sa panliligaw yung tropa ni Lance. Sabi ko naman sa kanya, kung may feelings ka, go for it! Sa lahat ba naman kasi ng nagkagusto sa bestfriend ko ay si Shaun na yata ang nagiisang kilala kong pinakamatino at sineseryoso siya.

The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon