Chapter 48

21.9K 699 73
                                    

Chapter 48


Cassandra's POV


"Ali--"


Natigil ako nung nilagpasan na naman niya ako.

Nakakalungkot lang talaga na kahit anong gawin ko ay hindi na niya ko kinakausap o pinapansin pa.


Ayaw niya na talagang maayos yung friendship namin.


Alam ko na malaki ang kasalanan ko sa kanya pero sana naman ay bigyan niya ko ng chance para makabawi sa kanya.


Namimiss ko na yung bestfriend ko.



"She'll come around, don't worry" Brian was suddenly on my side.

I looked at him and he's looking at Alisha.



"Tingin mo ba, mapapatawad niya pa ko sa ginawa ko?" I asked him.


"She will"


"Bakit mo naman nasabi yan?"


"Kasi nakikita ko namang nagke-care pa rin siya sayo. Tignan mo nga, hindi ka nila binubully o sinasaktan. Iniiwasan ka lang ni Alisha kasi hindi pa siya ready na bumalik kayo sa dati. She's still hurt"


I looked down.

It will take time.


Sana nga ay totoo ang sinasabi ni Bry na magiging okay din kami ni Alisha someday.


***


Lunch time.


"Sure ka? Ayaw mong kumain?" tanong ni Brian sakin.


Kanina pa kasi ako nasusuka sa amoy ng burger na kinakain nila ng tropa niya.

Umorder ako ng rice at steak pero nung nalasahan ko naman ay parang bigla na lang ako nawalan ng gana.


"Nagbago ba sila ng cook? Bakit ang panget yata ng lasa ng mga pagkain nila?" Nayayamot na bulong ko.


Shaun: "Okay naman yung akin, naubos ko nga oh"


Greg: "Pati nga buto, nakain ko eh HAHAHA"


The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon