Chapter 41

27.9K 624 36
                                    

Chapter 41

Cassandra’s POV

“You’re early” Bati agad ni Lance pagkababang-pagkababa ko sa kotse ko.

Ngumiti ako at excited na tumakbo para yakapin siya.

“So are you” I giggled and kissed his cheeks. “Maganda tulog ko kagabi. Finally, for a long time, parang ang peaceful na nung pakiramdam ko”

He smiled at me. “Ako rin, nakatulog ako ng mahimbing”

Bigla siyang lumayo at tinitigan ako.

I was taken back at that.

“Cassy, dapat di ka tumakbo ng ganon sa’kin. Halatang halatang mahal mo na ko. Pano kung makita ka ng members ng TR? Eh di nagduda na sila…Tsaka akala ko ba, babalik tayo sa dati? Yung mga panahong di mo pa ko gusto”

I pouted and crossed my arms. “Ikaw na nga nagsabi, maaga pa. Besides, I can always create an excuse naman eh. As far as I know, we’re pretending to be couples here at school, remember? Di ba ko pwedeng maging isang sweet girlfriend?”

“Hmmm? I don’t think it’ll suit you”

“Fuck off”

Natawa na lang kami at ni-let go na niya yung topic na yun.

Nawawala talaga ako sa mood when we started talking about the deal.

Nape-pressured na ko dahil sa Friday na yung judgement day.

Kung pwede nga lang kalimutan na yun, ginawa ko na.

But my relationship with Lance started with a deal.

Kahit anong gawin ko, nakadikit sa amin yun at hindi ko basta-basta na lang maiaalis yun.

I know it was stupid for me to continue this pero kung di ko naman itinuloy, malamang madaming umalis sa sorority ko.

Madaming magagalit at baka mabuwag ng bigla ang club namin.

“Hey bitch!” Tatakbo takbong bati ni Ali sabay natigil agad nung narealize niyang katabi ko si Lance.

“H-hi lance” She breathed out.

Gosh, nai-intimidate talaga ni Lance ang bestfriend ko.

“Hello” Simpleng sagot ni Lance.

Narealize ni Lance na titig na titig lang sa kanya si Alisha kaya naman tumingin siya sakin at ngumiti. “I’ll see you later my queen”

The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon