Kabanata 30

24.9K 577 715
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 30


"Argh! Pota! Kasalanan 'to ni Eris! Nahawa na 'ko sa pagiging chismoso niya!"

Ngayon ko nararamdaman ang matinding hiya. Tangina kasi! Bakit ko ba nasabi 'yon! Pwede pa bang bawiin?!

My phone chimed. Literal na napatalon ako dahil doon. I cursed badly and grabbed it from the table.

Rue:

I'm home. Goodnight, Rivalry. Thank you for today. You made me happy.

You made me happy, samantalang ako hindi na makatulog dito! Tangina ko kasi! Sumunod pa kasi!

Pabalagbag kong binagsak ang katawan sa kama, sayad ang mga paa sa sahig. Ang lakas ng ulan.

Oh, God. Napaamin na talaga ako. Ngayong gabi ko lang talaga napagtanto na may gusto ako kay Rue. Ano'ng klaseng puso 'to? Bakit sa lalaki na nagkakagusto? Nagkakasundo pa ba kami? Bakit nagdedesisyon nang hindi ko alam?

O baka hindi ko lang kasi... napapansin. Kailan ko siya nagustuhan? Kailan pa? Imposibleng ngayon lang dahil walang taong umaamin ng nararamdaman pagkaramdam niya pa lang agad!

"Putangina talaga," wala sa sarili kong sabi. Buong magdamag na lang yata ako magmumura.

Buti na lang hindi ako umiyak kanina. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung umiyak ako sa harap ni Rue kanina! My tears are not for men!

Si Rue ang naghatid sa akin pauwi. Hinatid niya na ako nang diretso kaya hindi ko na nagawang makapagpaalam sa lima. Wala kaming kibuan sa loob ng biyahe. Nagkausap lang kami nang bumaba na ako.

But one thing is certain, I am sure about these feelings. Ginagago ako ng puso ko, pero totoo 'tong nararamdaman ko para kay Rue.

I like him. I do.

Puyat ako kakaisip. Paggising ko, may naririnig akong malakas na tawa sa labas. Akala ko ay naalimpungatan lang ako, pero mukhang tawa ni Mama ang maingay ngayon sa baba.

Bumangon ako at nagsuot ng tsinelas. Inaantok akong bumaba habang nagtatanggal ng mga muta.

"Kumusta naman ang anak ko? May naiaambag ba? Baka naman ikaw lang ang pinapakilos no'n ah!"

"Hindi, Tita. Nagtutulungan kaming dalawa. She's a good groupmate."

Natalisod ako sa huling baitang ng hagdan. My eyes grew bigger as I saw Rue Vallejo, at the dining table!

Sa kaba at taranta, pumihit ako kaagad pabalik.

"Rivalry! Buti naman gising na 'tong batang 'to! Come here, my baby! Sumabay ka na sa'min, 'nak!"

Por Dios por santo.

I turned back around. My sleepwear were gray oversized shirt and gray pajamas. Hindi naman magulo ang buhok ko sa umaga at nadadaan sa pasuklay-suklay lang ng daliri. Kaso hindi man lang ako nakapagmumog o hilamos!

"Morning, mahal," hinalikan ako ni Papa sa noo nang makalapit. "Amoy laway ka."

Napapunas ako sa gilid ng labi at sinipat si Rue na natawa. I quickly averted my gaze.

"Kahit amoy imburnal pa 'tong baby ko, iki-kiss ko pa rin!" malambing akong hinalikan ni Mama sa pisngi. "Amoy baby powder nga e!"

Nakakahiya, please lang. Ano ba kasing ginagawa ni Rue rito?! Wala naman kaming napag-usapan na magkikita kami?!

"Good morning," Rue greeted me too. There was a goofy smile beneath his lips.

Tumango ako at umupo. Nagulat ako nang hampasin ni Mama ang balikat ko.

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon