Kabanata 27

20.3K 535 656
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 27


"The weather is very heat, right?"

"Heto na naman 'tong pepe kong tumitibok 'pag may regla,"

"I like the weather this day. The soothing is very comforting for my skin and hair. I like the blower of-"

"Tantanan mo nga 'ko, Eris,"

Tinigil ni Eris ang pagbabasa nang sawayin ko. He gave me an annoyed look.

"Nagpa-practice nga akong mag-english!"

"Kay Jam ka magpaturo, dating call center 'yan," halakhak ni Sov.

Kumuha ako ng pan de regla sa plastik at kumain.

Paano ba naman, ang lakas ng tama ni Sov at Lav. Umagang-umaga, may hangover pa nga kami, gusto agad umalis. 'Yon pala, gusto lang dito mag-almusal. Ewan ko ba, mas masarap kasi ang hangin dito sa bakuran nina Tita Celine. Nakakaginhawa lalo na kapag may hangover ka.

"Ang tagal i-announce kung sino 'yung napiling lalaban sa Italy," ani Sab habang nag-i-scroll sa Facebook page ng university namin. "Kailan ba ipo-post 'yon? Next year?"

"Wala nganing sinabi. Dae ka talaga nakikinig kang mga tigsasabi sinda." Sagot ni Jam habang nagpapalaman ng margarine sa buns.

"Pasensyaenyo la. Gandaak lang."

Muntik na akong mapaso sa hinihihop kong kape. Natatawa kong pinunasan ang bibig ko.

"Ha?! What was that mean?! Hindi ko na-gets!" sabi ni Lav, salubong ang mga kilay dahil hindi niya na-gets ang palitan ng sinabi ng dalawa. Kahit ako e.

I saw my phone light up as it received a notification. I glanced at it. Bumagal ang pagnuya ko nang makitang galing 'yon kay Rue.

Rue:

Morning. I just want to remind you that we have something to do today.

Gago ka, Rue. 'Di na nga ako nakatulog nang maayos kagabi, ang aga mo pa mag-text ngayon!

Para makapag-type sa dalawang kamay, kinagat ko muna ang tinapay.

Ako:

morning. pupunta ako. pasabi na lang kung may ipapadala ka. magdadala ako ng laptop

Hindi siya agad naka-reply. Nakabalik na ako sa bahay at tapos nang maligo, atsaka siya nakapag-reply.

Rue:

No need. I have everything we need. Just save what you've done in the docs so we can access it here.

"Okay. Sabi mo e. Sino ba naman ako? Si Rai lang naman, na natitiis mo."

Napatingin ako sa malaking salamin ng dresser ko sa sariling gulat ng sinabi ko. My eyes were wide.

"Ha?! Napa'no ka, Rai?! Drama nito!"

Pero totoo naman. Natitiis niya naman na talaga ako. Tanda ko ang sinabi niya noon sa labas ng room. Magtiis na lang daw kaming dalawa isa't-isa. O edi magtiis.

I grinned in the mirror. Bihis na ako. White Adidas shirt, black Adidas short, Adidas cap, at white Adidas slides ang suot-suot ko. It's just a house I'm going to, so this outfit is fine. Isa pa, mas kumportable ako sa ganito tuwing umaalis ng bahay.

"Sa McKinley tayo, Kuya Ibar," sabi ko sa driver.

"McKinley? Sa Taguig po?"

"Opo."

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon