Kabanata 1

41.2K 727 353
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 1


"Ms. Almendarez, you got the lowest score."

Aguy tangina.

Parang mga siraulo akong pinalakpakan ng lima kong kaibigan. Tuwang-tuwa pa e. 'Kala ba nila 'di sila nakakasakit ng damdamin?

Tumayo ako para kunin sa harap ang quiz result na dini-distribute ni Sir Cruz. Sa akin ang pinakahuli dahil ako talaga ang may pinakamababang score!

"Salamat, Sir," sabi ko kay Sir at tiningnan ang marka ko sa punyetang Foreign Language na French.

My hand flew over my mouth when I saw my encircled score on the upper-right side. Wow! Amazing!

5/50. 'Yung five points, bonus pa. Sa madaling salita, wala man lang akong naitama! Akala ko ba palaging tama ang mga babae? Porket ba 'di ako ruler?!

Hindi ako nakapag-review sa buong lesson ni Sir kaya nung nagpa-surprise quiz siya last week, nangamote ako. Na-surprise rin tuloy ako sa score ko.

Ang mahalaga naman nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.

"Bumawi next time, Ms. Almendarez. Alam mong malaki ang hatak ng quiz sa grading system."

"Perfect na 'to next time, Sir," pinitik ko ang papel ko at tumango-tango.

Dismayado siyang umiling pero hindi naman galit. Ngumisi na lang ako. I went back to my seat. Tinapik-tapik ni Eris ang balikat ko habang tumatawa.

"Ilan ka, Rai?" tanong ni Sabel.

"Five. Sinagip ng bonus."

"Tang inang 'yan."

"Masarap ka naman magluto ng hotcake e. Ayos lang 'yan." Natatawang sabi ni Eris.

"'Wag mo 'kong matapik-tapik at hindi ako natutuwa, pare."

Itinaas ni Sovan ang kamay niya para umapir sa akin. Mahina kong sinuntok ang kaniyang palad atsaka ngumisi.

"Bawi next time, Chef."

I nodded. Nakipag-apiran din ako kay Jam, Lava, at Sabel. Matataas score ng mga 'to e. Si Sabel ay second to the highest. The rest, halos magkakasunod-sunod na. Ako lang talaga 'tong nahulog.

Isinalaksak ko ang papel ko sa loob ng bag at napa-sign of the cross. One to fifty, five lang ako. Sakit, pre.

Nang mag-dismiss si Sir Cruz ay nag-ingay ang room. Panay naman ang kalabit sa akin ni Eris dahil sinisingil na ako sa utang kong kinse pesos sa kaniya kahapon sa jeep.

"Twenty na bayad mo. Five pesos ang interest."

"Twenty ampota. Mas hihigitan mo pa BDO!"

"Syempre, we find ways."

"Huy mga guys, kailan natin tatapusin 'yung isang project?" rinig kong tanong ni Sabel sa likod. "Tapusin na natin bago pa tayo ang tapusin."

Naghanap ako ng barya sa wallet kong nasisimutan na ng pera. Hindi ako makapaniwala. Wala pang dalawang linggo, brokenhearted na 'tong wallet ko.

"'Kala mo 'di mayaman ampucha," Eris whined at me. "Labas mo nga mga cards."

Nilagay ko sa armrest niya ang sampung tigpipiso na unti-unti niya namang dinadampot at dinadala sa palad. Hinayupak talaga 'to. Akala ko nakalusot na ako sa utang ko e.

"'Yung mga utang ko, naalala mo pa. Pero 'yung discussion kahapon hindi," nangalap ulit ako ng barya sa wallet ko.

"Aba syempre. Isang balik din 'to ah!"

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon