Kabanata 23

17.8K 489 305
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 23


Hindi na ako tumuloy. Niyaya ko na lang si Jam sa bahay at para roon na lang siya maki-connect. Nate-tempt ako magkwento sa kaniya pero mas mabuti talagang huwag na lang.

"Hapon naman bukas ang start ng class. Uuwi ako ng bahay nang maaga para magluto ng baon ni Celeng."

Jam is busy at my study desk and using my laptop. Nakahiga naman ako sa kama at hinihintay na antukin.

"Bakit pala biglang nagbago isip mo, Rai? Akala ko kina Eris tayo matutulog e."

"Tinatamad akong bumiyahe," palusot ko. "Ayaw ko rin munang magpuyat."

"Wow. Bagong words. Ayaw magpuyat. Pinakamaaga mo ngang oras matulog alas dos."

Natawa ako. "Maaga akong nagising kanina kaya maaga akong makakatulog ngayon."

Nauna nga akong nakatulog sa kaniya. Paggising ko, wala na siya at mukhang hindi pa rito nag-almusal.

Sinulit ko pa ang tulog hanggang magising na ng tanghali. Nagmadali tuloy ako dahil mukhang male-late ako!

Tulad ng ginagawa ni Sov kapag late siya, nag-JoyRide na lang din ako. Nakisuyo pa ako sa kaniya kasi hindi ko alam kung paano ba mag-book no'n.

"Pucha! Late na!"

Nagmamadali ako papasok ng gate. Si Sir Gubaldo ang prof namin ngayon. Being five minutes late is equivalent to being absent!

Mula sa mabilis na pagtakbo, dahan-dahan akong pumreno at kumalma nang matanaw si Rue sa tapat ng elevator. Hinihingal pa ako at pawisan na!

The elevator he pressed opened. Saktong nasa harap na rin ako. Pumasok siya sa loob, habang ako, nagtatalo ba kung papasok din.

Gago, Rai, ano? Siya lang tao sa loob! Maghihintay na lang ba ako para makauna na siya?

I swallowed when Rue looked me in the eyes. Wala siyang naging reaksyon. Bukas pa rin ang pintuan ng elevator, hindi niya pa sinasara.

Fuck. What should I do? Papasok ba?!

Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang kamay. I saw Rue's eyes tracing my hand. Basa na 'yon ng pawis ko. Wala akong panyo dahil hindi naman ako nagdadala ng panyo kasi nawawala rin naman.

Rue did not speak. Hindi siya nagtanong kung papasok ba ako hindi. A woman suddenly entered, so I stepped back a bit. Tumingin ako kay Rue na nakatingin pa rin sa akin.

"Papasok ka ba, Miss?" tanong ng babae at umaamba nang pindutin ang elevator.

Umiling ako. I turned my back without saying a word. Maghahagdan na lang ako.

'Di bale na. Maybe Rue would be uncomfortable with me around, so it's better not to. Hindi naman labag sa loob ko ang ginawa ko, choice ko naman 'yon. Mas mainam na rin ang ganoon dahil tulad ng sinabi ko, iiwas na rin ako.

"Gago, one five?!"

Binilang ko ang perang ibabayad para sa gaganaping one-week practice para sa Regional Cuisines.

"1,500 for 5 days, edi 7,500 na 'yon agad?! Practice pa lang?! Backout na 'ko!"

"Pwede naman natin pag-ambagan, Jam, e," sabi ni Lav.

"No na, teh! Ang mahal e practice pa lang 'yon! Pa'no kung actual na?! Buti sana kung nagtatae ako ng pera!"

"Ekis na rin ako," iling ni Sab. "Pwede naman kahit hindi mag-participate e basta may matitirang representatives. 'Di ko rin kaya 'yung seven five. Dalawang buwan ko ng bayad 'yon sa apartment e."

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon