Kabanata 28

21.2K 536 939
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 28


On behalf of our school, this message is to let you know that your Letter of Intent, which asked for permission to conduct a case study project with the working title "School Lunch Nutrition Assessment" inside our organization, has been examined and accepted.

"For the first time, absent si Sab!"

Ang sakit ng ulo ko kanina. Nabawasan lang nang mabasa ko ang reply ng napili naming school para sa case study.

"Bakit daw absent?"

"Walang sinabi sa GC."

"Baka buntis-"

Kaagad na binatukan ni Jam si Eris bago niya pa matuloy ang sasabihin. Naglabas ako ng ballpen at pad.

"'Wag kang magsasalita ng ganiyan! 'Yang bunganga mo pa naman laging may dalang sumpa!"

Wala pang professor dahil napakaaga naming pumasok ngayong araw. Alas otso pa lang at mamaya pang alas diez ang start ng class sa Gastronomy.

"Ang ganda talaga ng prof natin sa Gas," iiling-iling na sabi ni Eris. "Crush ko talaga 'yon."

"Bobo. Pamilyadong tao na 'yon si Ma'am. Nakita ko nga 'yung asawa na sumusundo sa kaniya, sobrang gwapo ta's ang yaman pa. Kasing ganda niya rin 'yung anak nila."

"Bakit ba, Jam? Crush ko lang naman e. I just admire her."

"Wow, sis! Lume-level up na 'yang English mo, ah! Pakurot nga sa buto!"

I hissed. Sinalpakan ko ng headphone ang tenga ko para makapag-focus nang maayos sa ginagawa.

Sa sumunod na araw, sinabi ko kay Rue ang prosesong ginagawa ko. Dahil naka-focus sila sa internship, siksik ang oras nila sa ospital. Naiintindihan ko naman dahil may binubuno pa silang daan-dahang oras.

"We're going this Tuesday. Tayong dalawa ang pupunta. I'm sorry if it will take a while, but this is a group project. We'll work closely together."

Nasa loob ako ng jeep at medyo maingay dahil mabilis ang andar. Papunta akong Lourdes School of Mandaluyong para gawin na ang physical review nang sa ganoon, makausad na kami ni Rue.

Hindi ko siya pinakinggan kahit sinabi niya sa akin kahapon na sabay kaming pupunta sa LSM para sa isasagawang interview. May reporting kami sa isang major kaya kailangang may magawa ako ngayong linggo para sa case study namin. Natatambakan na kami.

"Para po."

Bumaba ako ng jeep, yakap sa gilid ang folder at sukbit sa balikat ang school bag. Mahaba ang vacant namin ngayon kaya ngayon ko naisipang magpunta sa elementary school. Nagkaniya-kaniya muna kaming anim ng buhay.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap ang dean ng paaralan. I was glad they accommodated me kindly. Kahit mag-isa, hindi ako nahihiyang makipag-usap sa kanila.

"Hello, kids!" I greeted a section of grade one students.

Sila ang magiging participants ko. Isang section lang. Sa isang section, merong twenty-four students.

First, I needed to find out what they ate for lunch. I would need to collect data for menu assessment and nutrient analysis.

Doon ako napagod. Masiyado silang marami at kailangang hindi ako magkamali sa nililista ko. Wala akong katulong, pero buti na lang, napakamasunurin ng mga bata. I also enjoyed being with them and even took pictures with them.

"Babalik ka po ba, Ate Rai?!"

Hindi ko namalayan ang pagsunod sa akin ng isang batang babae matapos kong magpaalam na aalis na. Nagulat ako at sinalubong siya.

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon