Simula

67.7K 944 399
                                    

Hues After The Rivalry

Simula


"First Quarter!"

Koponan namin ang nakakuha ng bola matapos ang jump ball. Half of the audience of the court screamed. Naghalo ang mga hiyawan ng mga estudyante.

Pinasa sa akin ni Cuenca ang bola nang tapatan ko ang three-point line. Nag-dribble ako habang pinoprotektahan ang hawak. Nag-uumpisa pa lang pero nabibingi na ako sa sigawan ng mga tao!

Sikip!

Ipinasa ko kay Villareal ang bola at agad akong tumakbo sa loob. Tatlong dribble mula kay Villareal, mabilis niyang ipinasa sa akin pabalik ang bola. The perfect fastbreak made me smirk inwardly. Tumalon ako, tumalon din ang bantay ko.

"Woohoo!"

One suave jump for a hook shot in a three-point line... bang!

Nagsigawan ang mga tao sa shot kong 'yon. Hinalikan ko ang kamao at tumuro sa taas.

"Rivalry Almendarez, threeeee!" Sabi ng announcer nang maka-shoot ako.

Yes! The first point of my team came from me!

"Rivalry! Rivalry! Rivalry!" Chant ng mga kaibigan ko sa aming team bench area.

Nag-apiran kami ni Villareal sa gitna ng court.

"Nice one." Kindat niya sa akin.

"Go, mahal!" Rinig na rinig ang malakas na pag-cheer sa akin ni Eris. "Galing! May kiss ka sa'kin mamaya!"

Nang nasa kabilang side na kami ng court, parang mga kiti-kiti ang mga players ng kabilang university. Grabe ang stamina ng mga 'to! Kaya nahirapan kaming talunin dahil mapa-opensa at depensa, may naibubuga e.

"Defense! Defense! Defense!"

Na kay Sy na ang bola kaya dinepensahan ko 'yon sa kaniya. Magaling siyang humawak at paborito niyang mag-crossover. I observed her hands to try how to steal the ball from her. Kaso ay agad niya nang napasa kay Mercado kaya nawala ako sa momentum.

Mercado to Fernandez to Muñoz, and then back to Sy again. Tinira ni Sy ang bola mula sa free-throw line, pero mukhang nailang siya sa akin kaya kinapos ang jump shot niya.

I smirked.

"Bullshit!" Dismayadong mura ni Sy.

Nakuha ko ang rebound at mabilis akong tumakbo. Hinanap ng mga mata ko si Madrigal at agad na pinasa sa kaniya ang bola.

Naghanap ako ng magandang pwesto at malapit sa baseline ako pumaikot-ikot.

Madrigal passed the ball to Villareal. Then Villareal dribbles and finds a better area to shoot. Mahigpit magbantay si Luciano kaya naman in-screen-nan na ni Garcia. Lumipat ako ng pwesto at tumakbo sa ilalim para mang-aning.

Na kay Sanchez na ang bola. Tumakbo ako palabas para maipasa niya sa akin kaya tangan ko na ngayon ang bola ulit. Kinindatan ko si Sy na todo ang bantay sa akin. I lost her defense when Jaucian screened her half body for me.

Matapos kong makawala ay sumalaksak ako pailalim. Nang sumikip ang tinatahak kong daan ay ipinasa ko kay Madrigal ang bola. Wala na siyang sinayang na panahon dahil mapuputukan na kami ng twenty-four seconds shot lock.

Akala ko ay ititira na ni Madrigal sa labas pero pumasok pa siya sa loob. The ball flew in the air. Lahat ng atensyon namin ngayon ay nasa bagay na lumilipad sa ere. Bumagsak sa loob ng basket ang bola dahilan nang pagragasa muli ng sigawan.

"Margarette Madrigal!"

"Nice shot, gago!" Sabi ko habang tumatakbo kami pakabila ulit.

"Chimera! Chimera! Chimera!"

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon