[13] WARM WELCOME

502K 12.6K 2.9K
                                    

                                     *****

Hila-hila ni Alex ang isang malaking maleta. Sinusundan niya si Blake at ang isang matandang katulong habang gina-guide siya papunta sa kanyang tutuluyang kuwarto.

Dinala siya ni Blake sa isang malaki, malinis at magandang silid. Mayroon itong wall TV, malaking kama, maliit na sala set, aircon at sariling banyo. Napanganga siya sa magarang kuwarto. Pakiramdam niya ay napakalaking kasalanan kung magkakalat siya dito. 

“This is your room,” sambit ni Blake at pagkuway ipinakilala nito ang kasamang katulong. “This is Yaya Cora. She is the one who will guide you around the house.”

“Hello po. Ako po si Maya,” nakangiting bati niya sa kasambahay na mga lampas sisenta na ang edad.

Ngumiti rin ang katulong. “Ineng gusto mo bang tulungan kita sa pag-aayos ng mga gamit mo?”

“Naku huwag na ho! Ako na pong bahala dito. Kayang-kaya ko na po ito.”

“There’s no need for you to help Yaya Cora. She’s not a guest her.”

Kunot noong napatingin bigla si Alex sa lalaki.

“You’re one of them,” direktang sagot ni Blake sa nagtatanong na mukha ng babae.

“Hindi libre ang pagtira mo dito. You have to work for it. You’re one of the maids kapag andidito ka sa bahay,” sabay talikod at labas ng lalaki sa kuwarto.

Inismiran ito ni Alex. “Ang akala ko pa naman ay bumait na ito.”

Muling humarap si Blake at agad na binawi ni Alex ang pagkakanguso.

“By the way your room is next to mine. I think it’s better this way para mas madali para sa akin na utusan ka if I need you to do something for me.”

Tahimik at bahagyang nakasimangot na nakatingin lamang si Alex kay Blake. Napansin ng lalaki ang pagtutol sa mga mata ng kausap.

“What ? You don’t like it?”

“Wala akong alam sa mga gawaing bahay,” diretsong pahayag ng babae.

“Yaya Cora will teach you. Bakit ayaw mo ba? Then I guess you can look for another house to stay.”

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Alex. Kaagad itong ngumiti ng masigla.

“Binibiro lang kita. Siyempre natural lang na pagtrabahuan ko ang pagtira ko dito! Sige po Nanay Cora, iwanan nyo na ako. Pagkatapos na pagkatapos ko hong mag-ayos ng gamit ay pwede niyo na akong utusan!”

Ngingiti-ngiting lumabas ng silid si Blake. Hindi big deal sa kanya kung tumira man ng libre sa kanila ang babae ngunit ayaw niya itong ipahalata baka kasi unti-unting abusuhin nito ang ipinapakita niyang kabaitan.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Where stories live. Discover now