[40] LIGHTS FADING OUT...

431K 11K 2K
                                    

                                                     ****

Dinalaw ni Blake sa bahay si Marianne. Ang girlfriend ang una niyang naisip kausapin matapos may matuklasan mula kay Hayden.

Nagtaka si Marianne sa biglaang pagbisita ng boyfriend dahil wala naman silang usapang magkikita sila. Napansin niyang seryosong seryoso ang mukha nito at tila may importanteng-importanteng sasabihin. Di pa man nagtatagal ang pagkakatabi nila sa sala, ramdam na ramdam niya nang may paparating na tensiyon.

Uminom muna si Blake ng juice na inihanda ng katulong. Pagkatapos ay humugot ito ng napakalalim na buntong-hininga at tumingin ng seryoso sa girlfriend. “Marianne, sino si Alex sa buhay ko?”

Biglang nanlamig ang mga kamay ni Marianne sa hindi inaasahang tanong. Unti-unting namutla ang kanyang mukha. Ngunit bago pa man mahalata ng lalaki ang kabang nararamdaman ay pinilit niyang ngumiti at kumilos ng normal. “B-bagong bodyguard mo. P-pumunta ka ba dito para itanong lang ang bagay na yan? Gusto mo yatang pagselosan ko na si Alex ah,”kunway may tampong sagot niya.

Hindi inalis ni Blake ang mga mata sa mukha ng girlfriend. Pinag-aralan niya ang reaksiyon nito kung kaya’t hindi nakalagpas sa kanya ang pamumutla nito matapos marinig ang kanyang tanong.“Are you hiding something from me?”

“W-Why would I do that? What’s the big deal ba with your bodyguard now?” tila naaasar nang tanong ni Marianne.

“Alam ko na ngayon na hindi totoong bagong bodyguard si Alex. She’d been around for a longer time, that’s why I always feel that I’m connected to her. Who is she Marianne?” mas madiing tanong ni Blake.

Hindi komportable si Marianne sa nagiging takbo ng usapan nila. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Blake at hinila ito papunta sa pinakamalapit na guest room. Inilock niya ang pinto at hinarap ang lalaki ng may seryosong mukha.

 “Bakit ako ang tinatanong mo tungkol sa bagay na iyan Blake?”

“Because I’m wondering kung bakit pati ikaw ay nakikisakay sa paglilihim nito sa akin.”

“Did you talk to Alex about this matter?”

“Not yet… I want to talk to you first. You’re the person I trust the most Marianne and I’m eager to hear the truth from you.”

Tinalikuran ni Marianne ang kausap. Humarap ito sa bintana at tumingin sa labas nang nakahalukipkip. Matagal itong nanahimik.

“Aren’t you going to explain ?” naiinip na wika ni Blake. “Say something!” Napipikong nilapitan niya ang girlfriend at iniharap ito sa kanya. “Why can’t you talk? Mahirap ba ang tanong ko? Bakit niyo inililihim sa akin si Alex? WHO IS SHE?!”

“Dahil ito ang gusto nya! She wants to hide the truth from you Blake!”

Pansamantalang natigilan si Blake habang nanlalaki ang mga mata at naguguluhan. “And what is that truth that she’s trying to hide? And why do you agree to it?”

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Where stories live. Discover now