[36] LIKE A REPLAY

412K 10.8K 1.4K
                                    

                          ****

 “ARE YOU KIDDING ME NOW?!!!”

Nanlalaki ang mga mata ni Blake sa nakikitang mga sunog na pagkaing nakahain sa mesa. Samantala ngingiti-ngiti lang si Alex habang nakapamewang at nakatayo sa tabi ng mesa hawak ang isang syansi.

“This is my first day ng pagbabalik ko sa klase and you want to poison me with these food?! Kalalabas ko lang sa hospital and yet gusto mo ata akong ibalik kaagad doon. No I won’t eat these! Yaya Cora!”

Pinandilatan ng dalaga si Blake. “Hindi na magluluto si Manang! Wala ka ng oras, mahuhuli ka na sa klase kaya’t kumain ka na lang diyan at wag ka nang magreklamo.”

Natawa ang lalaki. Hirap itong maniwala sa inaasal ng kaharap.  “Wait a minute. Am I getting it right? Dinidiktahan ba ako ng bodyguard ko?”

“Oo!” taas noong sagot ni Alex sabay halukipkip.

Napanganga si Blake sa sagot. Hindi niya alam kung pagtatawanan niya o sisigawan ang kausap. “Teka lang..teka lang. You’re job is to be my bodyguard and who gives you the right para makialam sa pagluluto?!”

 “Wala. Gusto ko lang,” diretsong sagot ng dalaga.

 Mas lalong napikon si Blake. “NO! I WON’T EAT THESE! MAGHAIN KAYO NG IBANG PAGKAIN!!”

Binigyan ni Alex ng matatapang na mga titig ang lalaki at saka nagbitiw ng ubod sa diing mga salita. “Pinaghirapan kung lutuin lahat ng mga ito! Kaya’t sa ayaw at sa gusto mo ay kakainin mo to! Naiintindihan mo ba!”

Pansamantalang di nakaimik si Blake. Napalunok siya. Hindi niya maintindihan ngunit tila bigla siyang nakaramdam ng takot sa babae at parang may nag-uutos mismo mula sa kanyang kaloob-looban na sundin ito. Gumanti siya sa matatapang na titig ng kaharap nang hindi namamalayang napaupo na pala siya sa hapag kainan at napahawak sa kutsara't tinidor. Nagbago ang hilatsa ng mukha ng dalaga. Ngumisi ito na tila nang-aasar.

 Dumating si Don Henry sa hapag kainan.

“Grandpa look at what this woman did!” agad-agad na sumbong ni Blake habang itinuturo ang mga sunog na ulam.

“Let’s eat Blake,” mahinahong ika ng matanda sabay upo sa harap ng mesa.

“I don’t believe it! Can you eat any of these?”

“Huwag ka nang magreklamo. Kumain ka na lang Blake. Kung ano ang nakahain sa mesa yun na yun.”

Napanganga si Blake sa sinabi ng lolo. “I don’t want to misunderstand things, but lolo are you taking the side of this woman?”

“Wala akong kinakampihan Blake. I’m very busy today so I have no time para magpaluto pa ng ibang pagkain….Alex put down that spatula and join us now.”

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant