[21] THE CHOICE AND THE CHOICES

518K 13.3K 4.5K
                                    

                                      ****

Nahihirapan si Sophia na ibuka ang bibig. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Nangangatal ang mga labi. Hindi niya alam kong kakayanin niya ang sakit. Tumingin siya sa mga mata ni Blake. Tinitigan niya ito hanggang sa dahan-dahang tumulo ang kanyang mga luha.

“Let’s break up Blake.”

Ilang sandaling nagkaroon ng katahimikan. Di agad nakasagot si Blake. Di niya matiyak kung tama ba ang kanyang narinig.

“W-what did you just say?” 

“L-let’s break up. Hindi ko na kaya. I’m too tired.”

“I told you I don’t have a relationship with that girl.”

“But you still love her don’t you?”

“It’s not important if I still love her or I don’t. What matter is that you are my girlfriend now and I love you.”

“It matters Blake…It does. Because it’s hurting me a lot thinking your heart is not mine alone.”

Tumahimik ulit si Blake. Nagpahid naman ng mga luha si Sophia at ngumiti ng pilit.

“I’m giving you time to make up your mind.  If you wanna come back to me then make sure akin ka na ng buong-buo because that’s the only way that we’re going to be okay.”

Kinuha ni Sophia ang dalang handbag at tumayo “Bye Blake and thanks for everything…”

Tumalikod ang babae at naglakad papalabas ng coffee shop. Naiwan si Blake na nakatulala habang nag-iisip ng malalim at hirap pa ring maniwala. Sa taas ng kumpiyansiya niya pagdating sa pagmamahal sa kanya ni Sophia, kahit kailan ay hindi niya inaasahang ito ang unang makikipaghiwalay sa kanya.

Nasa labas si Alex at hinihintay ang pag-uusap ng magkasintahan. Napaangat siya ng likod mula sa pagkakasandal sa pinto ng kotse nang mamataang lumalabas na si Sophia. Nagtaka siya sa malungkot na hitsura nito. Nakayuko ito at matamlay na naglalakad patungo sa sariling sasakyan. Hindi siya nito napansin kaya’t bago ito makasakay ay tinawag niya ito’t kinawayan.

“Sophia!”

Lumingon ito. nang makita siya'y bigla itong tumakbo papalapit sa kanya. Niyakap siya at humagulhol ito sa kanyang balikat.

“I will miss you Maya…”

Nagtatakang niyakap niya rin ang umiiyak na babae. Tinapik-tapik niya ito sa likod nang may naguguluhang mukha.

“Hindi pa rin ba kayo nagkaayos ni Blake?” malumanay niyang tanong.

Tuloy lamang sa pag-iyak si Sophia at nanatiling nakasubsob sa balikat niya. Bumalik ito sa sariling sasakyan nang walang iniwang sagot sa katanungan niya. Bago ito sumakay ay kumaway ito sa kanya nang may malungkot na ngiti.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Where stories live. Discover now