[24] ADJUSTMENT DAY

475K 11.7K 3K
                                    

                                     ****

 "That's all for today class!"

Abot tenga ang ngiti ni Alex matapos marinig ang kanyang paboritong linya ng propesor. Masigla niyang inayos ang mga gamit. Nakita niyang papalabas na si Blake ng classroom kung kaya't nagmadali siyang tapusin ang ginagawa. Patakbo siyang lumabas ng pintuan.

"Blake sandali! Hintayin mo ako!"

Hindi siya pinansin ng lalaki. Sa halip ay dire-diretso lamang itong naglakad papalapit kay Marianne na noon ay naghihintay sa may pasilyo. Kaagad na nagyakapan ang mga ito. Halatang na-miss masyado ang bawat isa.

"How was your class?" nakangiting tanong ni Marianne.

"It's alright. How about you? Are you free already?"

 "Yap. My next class is cancelled so I'm free for almost three hours."

"That's good because I've got three hour break too before my next class. Let's go." Umakbay si Blake sa girlfriend at niyakag ito papaalis.

Tahimik na nakatingin lamang si Alex habang naglalakad papalayo ang magkasintahan. Nakatayo lamang siya. Ni hindi man lang naalala ng dalawa na meron silang kasama. Hinintay niya na lingunin siya ni Blake ngunit mukhang hindi ito mangyayari. Wala siyang nagawa kundi habulin na lamang ang mga ito.

"Tingnan mo tong dalawang to! Hoy hintayin nyo ako!"

Bumuntot siya sa naglalakad na magsyota. Parang may mga sariling mundo ito. Malalagkit ang tinginan. Kung hindi magkaakbay ay magkaholding hands naman. Masayang nag-uusap at parehong hindi maburabura ang mga ngiti sa mukha....At wala pa ring nakakaalala sa kanya.

                                                                        --------

Canteen.

Kumuha ng tray si Alex at pumili ng pagkain. "Ate dalawa nga ho nitong baked mac..."

Napalingon siya kina Blake at Marianne. Pumipili na rin ang dalawa ng pagkain. Tumingin siya sa tray ng mga ito. Naroroon na ang mga pagkaing dati ay madalas nilang bilhin ni Blake ng sabay.

"Ah, ate isang baked mac na lang ho pala...tsaka isa rin nito at isa niyan..."

Naupo siya sa hiwalay na mesa ngunit katabing mesa lamang ng dalawang kasama. Tahimik siyang kumakain subalit naghihintay siya na may iutos sa kanya si Blake. Madalas siyang utusan nito pag oras ng lunch break. Nagpapabili ng extrang inumin. Nagpapakuha ng tissue paper. Nagpapabili ng dessert. Ilang beses na nagpapalit ng kutsara't tinidor dahil sa sobrang pagkametikuloso.

Patapos na siyang kumain subalit wala pa rin siyang naririnig na utos. Sinulyapan niya ang magkasintahan. Masayang kumakain. Panaka-nakang nagsusubuan. Pinupunasan ng tisyu ni Marianne ang bibig ni Blake. Nakabili na rin ito ng mga inumin. Meron na ring nakahandang mga desserts.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon