23

46 1 0
                                    

Chapter 23

Daren

"Oh mukhang nagmamadali ka ah?" Salubong sakin ni Levin sa hallway.

"Uuwi pa kasi ako. Birthday ng kapatid ko ngayon. Punta ka isama mo na rin si Astheria." Kibit-balikat kong sabi.

Biglang nag-iba ang awra niya pagkabanggit ko kay Astheria. "Hindi na, salamat nalang. Regards mo nalang ako kay Kaede." Aniya na tinanguan ko lang bago nagpatuloy sa paglalakad.

Ewan ko ba, hindi naman itong unang beses na magbibirthday si Kaede pero bakit parang excited yata akong umuwi ngayon?

Alam mo ang sagot sa tanong yan, Daren.

Tss!

Nang makalabas agad akong sumakay sa kotse ko at pinausad. Bumili na rin ako ng cake na inutos sakin ni Zares kanina para sa asawa niya.

***

"Oh pare, buti maaga ka. Halika, andito ang chicks mo. Binati ko na nga kanina eh!" Bungad ni Teri habang may bitbit na lollipop sa kamay.

"Wala akong chicks!" Singhal ko.

"Weh? Naalala ko pa nga kayo noon na sobrang lambing eh halos hindi na mailayo sa isa't isa." Ngisi pa ni Teri. May kung anong sakit na namuo sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.

Oo nga pala, wala nga pala tong alam sa mga nangyayari.

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagpasok sa bahay. Nakita ko si Nally na nginitian at tinanguan lang ako. Kinawayan ko lang din siya.

"Kuya!" Sulpot ni Kaede sa gilid ko.

I smiled at my sister and hugged her. "Happy birthday, baby sis. For you." I kissed her cheek as I gave her the cake.

"Wow, chocolate! Thanks, kuya!" Mangha niyang turan without knowing na ang asawa niya ang nagpabili ng cake na paborito niya.

Natawa ako. "That's from your husband, Kaede." Sabi ko.

Nalungkot naman bigla ang kapatid ko. "Does that mean wala kang regalo sakin?"

"Enough na ang gwapo mong kapatid as your gift, right?" I teased her.

"Hmp!" Aba't talikuran ba naman ako. Napailing ulit ako.

Pumunta akong kusina at nagulat dahil sa nadatnan doon. "Um, h-hi..." Naiilang niyang bati na bahagyang nanlaki ang mata.

Here it goes again, my heart. It's beating like crazy.

Hindi ko siya pinansin bagkus dumiretso lang ako sa ref at kumuha ng malamig na tubig saka diretsong ininom. Hindi na rin siya nagsalita pero ramdam ko ang tingin niya sakin. I can't believe my sister still invited her despite what we've talking the other day.

Lalabas na sana ako nang hindi sinasadyang madapuan ng tingin ang suot niya, lalo na ang short niyang sobrang ikli. Fvck!

"You came here with that outfit?" Ramdam ko sa boses ko ang dilim.

"Ha? Um, h-hindi ko kasi akalain na totohanin ni Kaede ang sinabi niyang sunduin ako kaya h-hindi ako nakapaghanda." Mahinang sabi niya. Why would I care anyway? But it's fvcking disturbing!

"You had a chance to change, bakit hindi ka nagbihis?" Hindi ko napigilan ang sarili kong magalit.

Nakita kong napayuko siya. "She didn't give me a chance. Hinila ako agad ni Kaede. But she said magpapalit naman ako."

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now